7/29/2010

Litratong Pinoy#106 Gusto (Like/Want/Desire)

Photobucket


There are a lot of things I'd like to do nowadays but as they say, take it slow. So, am trying to do just that.

I'd like to know more about photography. I just attended a lecture-workshop this past weekend. I had learned a lot but I realized that I still need to learn more about photography if I want my photos to look better.

Pilipino:
Andami kong gustong gawin ngayon pero sabi nga nila, hinay-hinay lang. Kaya, sinusubukan kong gawin iyon.

Gusto kong matutunan pa nang lubos ang paglilitrato. Kakatapos ko lang sumali sa isang panayam sa paglilitrato nitong nakaraang linggo. Marami akong natutunan samantalang napagtanto kong mas marami akong kailangang malaman kung gusto kong gumanda pa ang aking mga litrato.

Photobucket

Banaue Rice Terraces

Photobucket

 San Francisco Bay, California


My desire to travel and sightsee around the Philippines and outside the country has not waned yet. So, I'd like to continue traveling as long as I can.

Most of all, I want that my father could recover from cancer and live a longer life. It doesn't matter if I can get what the things I said I want earlier as long as he recovers and live a better life.

Pilipino:
Hindi pa rin nawawala ang kagustuhan kong magbiyahe at mamasyal dito sa Pilipinas at sa labas ng bansa. Kaya naman, gusto kong magbiyahe hangga't sa aking makakaya.

Higit sa lahat, gusto ko sanang gumaling at humaba pa ang buhay ng tatay kong may sakit ng kanser. Hindi na mahalaga kung makukuha ko ang mga naunang sinabi kong gusto kong gawin basta lang gumaling at umayos na ang kanyang kalusugan.

4 comments:

Jenn said...

Ako rin, nais kong matutunan ang mga techniques kung paano kumuha ng magagandang litrato, pero dahil point and shoot ang gamit ko, hindi rin ako maka-attend ng mga lessons at workshops dahil hindi ko rin mai-apply ang mga teknikal na aspeto.

Ang aking LP ay naka-post DITO. Happy Huwebes!

Unknown said...

sana nga gumaling ang tatay mo. mahirap talaga ang may sakit sa pamilya. may pinsan ako jan sa davao--he's only 18 years old, may brain cancer.

gusto ko rin maututo ng mga techinques sa photography. yon nga lang, wala pa akong time mag workshop. pero nasa bucket list ko yan.:p

JO said...

mahirap na hobby ang photography. masakit sa bulsa. :-)

salamat sa pagbisita mo sa LP ko.

Anonymous said...

i love photography..... as in adik na nga aq sa pa-pipicture eh..... basta maganda para skin...picture na kagad aq...kaya lang nasira camera q....siguro madali at masaya ang maging photographer....i want to be photographer nga eh..... kaya lang kailangan tlaga ng lessons pra mas dumami pa ang alam mu sa photography