7/21/2010

Litratong Pinoy#105 Tawid (Cross)

Tourism was still not the "in" thing when I started traveling with my friends around the Philippines years ago. This is why, I went through a lot of travel hardships. Because the Philippines is made up of seven thousand one hundred seven islands, it was inevitable that I went through different modes of water transportation.

To compare the water transportation from years ago to now, it can be said that what we have now are better, bigger and faster.

I can still remember the boat we had years ago on our way to Camiguin. The travel took two hours and all those two hours, I prayed constantly. The boat we had was overloaded that I could actually touch the waters. Nowadays, there are now RORO barges that ply to Camiguin Island from Balingoan, Misamis Oriental. Of course, I could not touch the waters anymore.

Camiguin Island, Philippines

Pilipino:
Hindi pa masyadong uso ang turismo noon nang mag-umpisa akong mamasyal sa kung saan-saan sa Pilipinas kasama ang mga kaibigan. Dahil doon, napagdaanan ko ang klase-klaseng hirap sa pagbibiyahe. Dahil sa pitong libo't isang daan at pitong isla (sinubukan ko lang kung kaya ko bang tagalugin iyan) ang Pilipinas, napagdaanan ko ang anu-anong klaseng sakayang pantawid dagat.

Kung ikukumpara ang mga sasakyang pantawid dagat sampung taon na ang nakalilipas sa ngayon, di hamak na mas maganda, mas malaki at mas mabilis na ang mga ginagamit ngayon kaysa noon.

Natatandaan ko pa ang bangkang sakay namin noon papuntang Camiguin. Dalawang oras ang tagal ng biyahe. Sa dalawang oras na iyon, panay ang dasal ko. Kasi ba naman, sa sobrang puno ng bangka ay kayang-kaya kong iabot ang kamay ko sa dagat. Ngayon, may mga barkong RORO(Roll On, Roll Off) na papuntang Camiguin mula bayan ng Balingoan, Misamis Oriental. Siyempre, hindi ko na maabot ang dagat sa laki ng barkong yan.

Photobucket
Davao City to Samal Island Roll On, Roll Off barge

The roll on, roll off barges really helped not only the tourism industry but also the trade and commerce of the islands. With these barges, people as well as products and services can travel safer and faster. Hopefully, we can see more of these modes of water transportation in the future as they got better, safer and faster. Easy crossing, go!

Pilipino:
Ang mga barkong roll on, roll off ay naging malaking tulong hindi lang sa industriya ng turismo pati na rin sa kalakalan at komersyo ng mga isla. Sa mga barkong ito, mas mabilis at matiwasay ang biyahe ng mga tao at paglilipat ng mga produkto at serbisyo. Sana, may makita pa tayong mga mas magagaling, maayos at mabibilis na ganitong uri ng transportasyong pandagat. Sa madaling pagtatawid, halina!

3 comments:

Unknown said...

hahaha oo nga, nong unang panahon, sasakay ka sa boat at magdasal na lang. memorable sa akin ang boat from CDO to Camiguin---i think that was 7 or 8 years ago, first time ko nagkaroon ng motion sickness and i puked all the way to Camiguin! LOL kakahiya!

julie said...

kakatakot yung ganun ano? tsaka sa dami ng turista ngayon, di na mag-overload dahil dumami na din ang mga bangka o pambot (pumpboat) na magdadala sa iyong destinasyon :)

Four-eyed-missy said...

Sanay ako magbyahe sa barko at kahit maliliit na ferry, but there was one time na sumakay kami ng maliit na ferry (Princess of Negros yata yun) from Bacolod to Iloilo. Sa sobrang laki ng alon at lakas ng hangin ay pumasok ang tubig sa lower deck at nagpanic ang mga tao. Nagtilt pa nga ang ferry kaya feeling ko noon katapusan ko na! Kaya I can relate dun sa pagpe-pray mo all throughout the ferry trip.

Sreisaat Adventures