2/10/2010

Litratong Pinoy#84 Iyo (Yours)

Think of this house we are constructing as yours so that we can give happiness and hope for those who will reside in this house, that's what the guy from Gawad Kalinga said.

We were about to start constructing houses as part of the Gawad Kalinga project. We need to do it well, make the houses beautiful and sturdy even with the limited resources we had to construct them. The outcome was good especially those houses that the lady-volunteers painted together. But, there was one house that the supervisor ended up scratching his head because of their eagerness to make the house strong, they thickened the cement plaster on the walls. They had to fix it before they were able to finish it.


Photobucket

Pilipino:
Ituring mong iyo itong ginagawang bahay para naman mabigyan mo ng kasiyahan at pag-asa ang titira dito, sabi ng lalaking taga-Gawad Kalinga.

Mag-uumpisa na kami sa paggawa ng mga bahay na kasama sa proyekto ng Gawad Kalinga. Kailangang paghusayan namin, pagandahan at patibayin kahit na ba limitado ang kagamitan para itayo ang mga ito. Maganda naman ang kinalabasan lalo na doon sa pinagtulungan naming mga babaeng pagpinturahan na mga bahay. Pero, iyong isang ginagawa ay kumamot ng ulo ang kapatas dahil sa kagustuhang patibayin ang bahay ay kinapalan ang paglalagay ng semento sa mga pader kaya ayun, inayos pa nila bago natapos.

Photobucket

Photobucket

11 comments:

Dinah said...

Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag nakakatulong ka sa kapwa. kahit hindi iyo ang bahay, kakaiba ang saya na mararamdaman mo kapag nabuo na ito. Nag-GK din kasi kami sa Taguig dati.

eto naman ang aking lahok, pakidalaw.

Unknown said...

ito na yata ang pinakamagandang regalo na matatanggap ng mga beneficiary ng GK. excellent work!

Arlene said...

that's great kawang gawa, sis!

Happy LP!

Joy said...

Wow! Kahanga-hanga ang inyong ginagawa! More power!!

Ito naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/02/lp-iyo-yours.html
Magandang araw!

Sheren-May said...

Nakatulong din ako sa GK dati, I'm a former SFC member. Masayang gumawa ng bahay, especially when it comes to your heart. maligayang araw ka litratista!

julie said...

ang galing, ibang kasiyahan siguro ang makasama diyan :)

an2nette said...

magaan sa puso ang makatulong sa kapwa, nice entry, sana dumami pa ang mag volunteer nating kababayan, nice post and hapi LP

Pinky said...

More power to GK! Sana'y dumami pa lalo ang mga gustong makatulong.

-mopher- said...

sa lahat ay yan ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat. ang pakiramdam ng tumutulong :)

http://www.hobbyista.com/?p=117

fortuitous faery said...

kudos sa inyong kahanga-hangang pagkakawang-gawa sa kapwa! (ang daming K nun,ha! :P)

Willa said...

Ang bait mo naman at nag vo volunteer ka s amga ganyang project, parang Habitat for Humanity ng US.