1/28/2010

Litratong Pinoy#82 Balak (Plan)

Photobucket
Caramoan, Camarines Sur

I plan to continue traveling and discovering my own country, Philippines, even if I have plans in traveling abroad. For me, it is necessary to know more about my own country to learn how to love it more and to learn things that could help in its development.

Yes, it is said that plane fares are now cheaper due to discount promos but would it be more helpful if we know first our own country before we know more about Hongkong or Singapore or other places?

Pilipino:
Balak kong hindi tumigil sa paglalakbay at pagdidiskubre sa sarili kong bayan kahit pa man na may balak akong mamasyal sa mga dayuhang bansa. Para sa akin kasi, kailangan kong mas lubos na makilala ang sarili kong bansa para matuto akong mas mahalin ito at mas matuto akong magmalasakit para sa ikabubuti nito.

Oo nga, mas mura daw ngayon ang pamasahe sa eroplano dahil sa mga promong diskwento pero hindi ba mas nakakatulong tayo kung uunahin nating kilalanin ang sarili nating bayan bago natin kilalanin ang Hongkong o Singapore o kung saan-saan pa?

Hundred Islands,Alaminos,Pangasinan,Luzon,Philippines,beach,island
Hundred Islands, Alaminos, Pangasinan

11 comments:

Unknown said...

magandang balak yan, sama ako jan! masarap pa rin mamasyal dito sa Pinas, ang pera na ginagastos natin sa byahem napupunta pa sa ating mga kababayan.

karmi said...

wow:) laking Maynila ako ate, kaya hanggang ngayon ay di ko pa rin nalilibot ang buong Pilipinas.. at siguro, kung may pera at oras, gagawin ko rin ang gusto nyo ^^

maganda plano yan ate =)

Arlene said...

that is a nice plan, Tes! Pero minsan man mura pa mag biyahe sa ibang bansa ng Asya kesa sa ating bansa. I dream of visiting Boracay and Baguio but my fare plus accommodation cuts so much. :)

that's a nice photo of the hundred islands. never been there yet but hope to be in the future!

Ebie said...

See the Philippines first. Yun din ang balak kong gawain pagmaka bakasyon.

Happy LP.

upto6only said...

alam mo yan din ang plano ko na mapuntahan/ malibot ang pilipinas muna. dami talagang madidiscover dito.

happy LP

Dinah said...

ganyan din ang aking balak. ang malibot ang Pilipinas kong mahal!

Mirage said...

Wow, ang ganda naman nyan, parang hidden sanctuary!

Yung hundred island shot ang ganda ng drama...hindi usual an postcard na nakikita ko ;) Love it!

thess said...

Tama ka, mas magandang makilala natin ang sariling bansa natin bago ang ibang lugar. Nakakahinayang at hindi ko magawa yan, may regret talaga ako.

In spirit I shall be joining you....ingat lagi and enjoy!

♥peachkins♥ said...

Korek! Masarap libutin ang sarili nating bayan tsaka basta lakaran.go ako!

fortuitous faery said...

ganun din ako...lalo na sa iba't ibang dako pa ng visayas at mindanao.

jeniffer said...

Oo naman ang ganda kaya ng mga places d2 sa pinas.And talaga nakakaenjoy, Bora and Bohol. :)