It used to be that I would see the silhouette of Mt. Apo (the tallest mountain in the Philippines) every morning on my way to work. Nowadays, because of the huge billboard standing by the road, my favorite daily view has been obstructed. I hope, someday soon this billboard will be gone as I prefer more to see Mt. Apo than this useless signboard.
Pilipino: Dati-rati, karaniwan ko nang nakikita tuwing umaga ang anyo ng Bundok Apo (ang pinakamataas na bundok ng Pilipinas) habang ako ay papunta sa trabaho. Ngayon, dahil sa napakalaking karatulang nakatayo sa daan, naharangan na ang paborito ko pangitain araw-araw. Sana, maalis na agad itong karatulang ito. Mas gusto kong makita si Apo kasi kaysa sa hindi importanteng karatulang iyan.
It is really difficult if you cannot understand what is being said on a sign, right? This is a signboard at the train station in Shanghai. There were English translations which were a good thing because if not, we would surely get lost anywhere.
Pilipino:Ang hirap kapag hindi mo maintindihan kung ano ang sinasabi ng isang karatula, hindi ba? Eto iyong karatula sa istasyon ng tren sa Shanghai. Buti nalang, may Ingles nang nakasulat kung hindi tiyak maliligaw kami sa kung saan-saan.
This one, I got crazy. I could not get the translation soon enough. Let's see, if you can get it. I saw this outside a Hongkong store. I stared at this signboard for a long time until I just had to laugh. As you can see, Bruce Lee is about to get angry. Did he get it?
Pilipino: Eto naman, naloka ako. Hindi ko "gets" ang pagkasalin agad. Sige nga, kung "gets" ninyo. Nakita ko ito sa labas ng isang tindahan sa Hongkong. Ang tagal kong tinitigan ang karatulang ito hanggang sa matawa nalang ako. Tingnan ninyo naman, parang magagalit na ata si Bruce Lee. Gets kaya niya?
13 comments:
nuisance naman yang billboard sa natural beauty ng mt. apo!
yung mga "chinlish" signs na yan...magkakasama sila for no particular reason o binebenta? haha. "no smoking or bruce lee will crazy!" dapat! hahaha
And they call that progress? pffft Sad isn't it when a something we enjoyed seeing we can no longer see the way we use to
Parang mga bumper sticker yata iyon,literal na literal ang translation. lol!
Oo nga, ang laki ng karatulang iyan. Mas gusto kung makita ang Mt. Apo. Hehehe, hindi ko rin "gets" yung tinitigan ni Bruce Lee. Magandang hwebes ka LP.
Ebie's Karatula.
alisin! las gusto ko ang view ng mt. apo kesa sa model ng RC cola! hehehe
happy LP po :)
nakakatawa ang huling karatula. Pero serious naman sila ng gawin yon ano? :D
Yang mga karatula talaga oo, you either love them or hate them! Sa kaso nito, malaking pimple sa view ng Mt. Apo!
Nakakatuwa yung mga "Chinlish" signs ano? May nakita din akong ganyan sa Shenzhen :)
Sreisaat Adventures
happy Lp! re sa tanong mo, sa sonya's garden kuha ang mga karatula ko.
di hamak namang mas maganda ang view ng mt.apo kesa sa higanteng karatulang iyan, ano?
slow ba ako? di ko na-gets yung mga karatula ni bruce lee.
wala bang act dyan sa atin na bawal takpan ang natural views? sayang naman ano?
kakatawa talaga mga translations! salamat sa dalaw!
ayyy, me petition ba na alisin? sayang naman si Apo!
LOL! nakakaloka! Lalo kong di na-gets yung: TOILET One place One dream... mmmm
Haha, grabe talaga ang mga signboards and notices sa HKG.
Post a Comment