I saw this flower stall in Plaza Miranda, Quiapo. At that time, there were a lot of people at the plaza. It was messy, noisy, colorful and there were too many things to see, which include these flowers that somehow gave color and joy among the maze-like surroundings.
Nakita ko itong tindahan ng bulaklak sa Plaza Miranda, Quiapo. Ang daming tao noon sa plaza. Ito ay magulo, maingay, makulay at maraming makikita, kasali na itong mga bulaklak na kahit papaano'y nagbibigay ng kulay at saya sa masalimuot na kapaligiran.
14 comments:
salamat sa pagbisita..
ay oo daming bulaklak dyan sa may plaza miranda. nadadaan ko yan pag namimili ako sa may villalobos.
tamang tama for mother's day. love browsing at flower stands even if i don't buy.
ang gaganda ng kulay! :)
Ang daming rosas, na hindi pa namukadkad! Ang ganda!
hindi kumpleto ang pasyal sa Quiapo kapag walang mga bulaklak.
Kahit anong pangit at baho ng lugar, pag may flowers na ganyan, maganda at mabango na din.
Hayy naalala ko tuloy bigla ang aking college years...sa Quiapo kasi pagawaan ng salamin ng pasyente at nadadaanan ko lagi mga flower vendors..nakakamiss! Thanks for sharing tukayo :)
Happy LP!
dami nga bulaklak. lalo na din sa Dangwa, bagsakan ng mga bulaklak from baguio
Hinde na din pahuhuli ang Pinas sa pagandahan nang mga bulaklak. I hope hinde naman masyadong mahal for this coming Mother's day. Thanks for the visit I do appreciate it. Happy weekend!
LT:Bulaklak
kailangan kong sumang-ayon na kakaibang lamig sa mata ang dulot ng mga kulay ng palumpon ng binebentang mga bulaklak, gaano man ka-gulo o ka-di kanais-nais ng lunan niya at mga katabi... parang lahat ay ayos o maaayos...
Ang gusto ko sa larawang ito, napaka-totoo nya. Kitang-kita ang mga kilos ng mga tao sa kapaligiran. Parang nararamdaman o nakikita natin ang buhay nila :-)
Great colors in your picture. I like the red ones
Great colors in your picture
nakakabighani talaga ang mga bulaklak lalo n sa lugar na parang rumaragasa lang lahat ng tao...happy LP!
Post a Comment