1/22/2009

Litratong Pinoy#35 Kahel(Orange)



Ito si Orange. Isa sa mga pitong pusa sa bahay. Pinakamalapit siya sa nanay ko at sa akin. Mas gusto niyang umistambay sa kwarto ko kung ako ay nasa bahay. Dati siyang malikot at makulit pero matapos siyang nawala ng ilang araw mga ilang buwan na ang nakalilipas, bumalik siyang payat at halos naghihingalo. Inalagaan namin siya para gumaling pero ang hindi na siya kasing-lusog noon at ang nawala na rin ang kanyang dating kakulitan at sigla.

Translation:
This is Orange. One of our seven cats at home. He is closest to my mother and me. He prefers staying in my bedroom when I am home. He used to be naughty and playful but a few months back, he disappeared for a few days. He came back very thin and almost dying. We nurtured him back to health but he never regained his previous health as well as his naughty and playful nature.

25 comments:

 gmirage said...

Ang 2nd sa entry pagkatapos ng food ay pusa! At ang Adorable ng pusang ito...sabagay sila ang pinakacharming na mga hayop for photography! (4th fave ko) Happy LP!

Anonymous said...

kawawa naman...buti at nakabalik pa! may pusa kami dati na hindi na bumalik...wild cat na siguro ngayon.

pareho tayong orange cat ang lahok! hehe.

Anonymous said...

ay di ko ilalapit yun entry ko sa entry mo tes hehehe baka kainin lols

ang kulit ng kuha nya hehehe.

Anonymous said...

Ang ganda ng pusa! Namimiss ko na ang orange na pusa!

Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!

Heart of Rachel said...

How sad that your cat went through a tough time. It's good that he found his way back home. He looks very happy and contented.

Anonymous said...

buti bumalik siya ano (saan kaya siya nagbakasyon)? it's good of you to bring him back to his former glory :-)
have a good day!

Anonymous said...

ay ang kulit ng posing ni muning-ning ha. magandang LP! mula sa Reflexes at Living In Australia

Four-eyed-missy said...

Buti na lang he found his way home ulit. At pinagtiyagaan niyong alagaan. Sana sa patuloy niyong pag-aaruga e bumalik na siya sa dati niyang kakulitan.

raqgold said...

sana maging masigla sya ulit. dati dami rin naming alagang ligaw na pusa, kapag may pagkain ang dami nila, kapag ubos na, wala na sila :D

Anonymous said...

hahahaha! kakagigil yung pusa!!!! :))

Anonymous said...

ay, kawawa naman sya.. baka natrauma sya sa pagkakawala nya// buti nakita mo pa sya.. dahil masakit para sa isang amo ang mawalan ng alaga di ba? .have anice day..

agent112778 said...

7 cats??? grabe saamin 4 lang pero sakit sa ulo kasi kinukuha yung ulam ko sa mesa..grrr!!!!

eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Gem said...

Kawawang orange. Unique pa naman, orange ang name niya. Fits well.

Anonymous said...

ano kaya ang nangyari sa kanya? ang cute pa naman nya.

LP:Kahel

Anonymous said...

Ang cute ng kuha nya dito, pero ano kaya ang nagyari sa kanya ano? Kasi bihira naman maligaw ang mga pusa di ba? Buti nakabalik sa inyo.

alagaan mo sya mabuti at paki hug mo ako, Tukayo =)

Anonymous said...

cute naman matulog nitong alaga nyo. ganyan din ang aming alaga.. makulit! salamat sa iyong dalaw.

Anonymous said...

ayos ah, parang nagpose talaga sya... :)

linnor said...

para akong masi-stiff neck sa pose nya. hehehe....

Anonymous said...

Aw, what a cute cat! I'm glad he's doing better, even though he still has a way to go. I hope he finds back to his old self!

Anonymous said...

katuwa ang pusang ito, tulog ba ito o bumubungisngis? buti nalang at nagbalik:)

tanabata said...

Aww, very cute! He's a little vampire kitty with his fangs showing like that! :P

escape said...

i like orange cats. we used to have two at home.

Unknown said...

what a precious shot! ang galing naman ng timing mo.:D sana tumaba uli si orange.

Anonymous said...

aww. parang ang sad ng story ni Orange. pero buti nalang bumalik siya. :)

Anonymous said...

ang cute naman ng pusa.. nakangiti pa siya! eheheheh