10/08/2009

Litratong Pinoy#70 Tamad(Lazy)

I remember what my mother used to remind me before..

"Do not be lazy and always be hardworking especially that you're still young. Even if the job is simple, even if you're just a stevedore. If you do it well, God will bless you and you'll have a good life some day."

Pilipino:
Natatandaan ko pa ang laging paalala ng Nanay ko noon...

"Huwag kang tatamad-tamad at laging magsipag lalo pa't bata ka pa. Kahit simpleng trabaho, kahit kargador pa. Kapag inayos mo pasasaan ba't pagpapalain ka ng Diyos at aasenso ka balang araw."

(Picture was taken at the port of Guijalo, Caramoan, Camarines Sur. These are the stevedores that carried sacks of rice from Sabang town.

Pilipino: Kuha ang litrato sa pantalan ng Guijalo, Caramoan. Ito ay ang mga kargador na nagbubuhat ng sako ng bigas na galing sa bayan ng Sabang.)

Reminder that stayed in my mind until now, that always reminded me to work hard and to not be lazy. Reminder that taught me to respect any work no matter how simple as long as it is done well, honestly and diligently.

Paalalang lagi nasa utak ko magpahanggang ngayon, na laging nagpapaalala na magsipag at huwag maging tamad. Paalalang nagturo rin sa akin na rumespeto sa kahit gaano kasimpleng trabaho basta ba't ginawang maayos, matapat at pinagpaguran.

(Stevedore at Gen. Santos City Fishport Complex.

Pilipino: Kargador ng Gen. Santos City Fishport Complex)


12 comments:

fortuitous faery said...

wow...bariles! ang laki!

karmi said...

yan din po ang laging sinasabi ng nanay ko sa akin :)

tama! bawal tamarin ^_^

upto6only said...

agree ako dyan. kahit anong trabaho basta pinagpapaguran aasenso ka dun.

ang laki ng tuna sarap ng sashimi :)

Ebie said...

May gantimpala ang sikap ng tao, basta hindi lang tamad at hindi pipili ng trabaho. makulay ang mga bangka!

P.S. Napunta sa SPAM and comentaryo mo.

an2nette said...

korek ka diyan ang tamad walang mapapala kailangan sipag at determinasyon, nice entry and hapi LP

yeye said...

kaya lagi ako may sermon sa nanay ko eh. tamad din kasi ako. hehehehe. minsan lang naman! ahaha


eto naman po ung akin :D

TAMAD:)

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

Sassy Mom said...

Lahat siguro tayo ay pinalaki ng mga magulang natin na laging ganiyan ang sinasabi. Kaya naman sa pagsisipag ay unti unti nating makakamtan ang maginhawang buhay.

Thanks for sharing these nice photos.

PEACHY said...

good advice from mother dear :-) sabi ko nga lagi sa staff ko, give your best in everything you do and be professional, bihira kasi ang mga babaeng talagang propesyonal sa trabaho dito kasi pinalaki sila para maging maybahay at asawa lang.
salamat sa pagdalaw.

escape said...

kaya hindi lang sipag at tiyaga kailangan. importante din ang galing! sipag tiyaga at galing!

Unknown said...

korek ang mommy mo! kahit mababang trabaho dapat pinagbubuti pa rin.

agent112778 said...

bilib talaga ako sa mga kargador, ang lakas nila

and i love that tuna, i-kilaw na yan

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)

Salamat sa pagbisita :)

tonton said...

Parang ako,,24 nko pero wla pring work khit kelan...