6/03/2009

Litratong Pinoy#53 Misyon(Mission)


My mission for this week is to finish watching the reality show, We Got Married, that has gotten popular last year in South Korea. I really like the couple Kim Hyun Joong at Hwang Bo Hye Jung who were called Joongbo for their playfulness and frequent jokes with each other. I am very reluctant to finish watching their segment because it is saddening for me but I really need to. It would be nice if they will end up with each other in the real life, they really have beautiful chemistry and they are really good to each other. They really have shown positive side of marriage.

Pilipino:
Misyon ko ngayong linggo na tapusin ang panonood ng pangrealidad na palabas na sikat na sikat sa Timog Korea nitong nakaraang taon, ang We Got Married. Gustung-gusto ko ang magkapares na Kim Hyun Joong at Hwang Bo Hye Jung na kilala sa tawag na Joongbo dahil sa kanilang kakulitan at pagkamabiruin sa isa’t isa. Halos ayokong tapusin panoorin ang parte ng pares nila dahil nakakalungkot tapusin pero kailangan na rin. Maganda sana kung magkatuluyan silang dalawa sa tunay na buhay, sobrang ganda ng samahan nila at napakabuti nila sa isa't isa. Talagang naipakita nila ang positibong aspekto ng pag-aasawa.




On the other hand, my mission this year is to go and help finish what we have started with the Gawad Kalinga project. We need to finish the 11 houses where 20 poor families will be living. They were started last year but due to lack of materials and funding, we could not finish the houses. I really hope somebody will donate for the necessary materials to finish the houses for the use of the 20 poor families.

Pilipino:
Sa kabilang banda naman, misyon ko ngayong taon ang sumama at tumulong tapusin ang naumpisahan naming proyekto ng Gawad Kalinga. Kailangang matapos na iyong labing-isang bahay na titirahan ng dalawampung mahihirap na pamilya. Naumpisahan nitong nakaraang taon pero dahil na rin sa kakulangan ng pera at materyales, hindi matapos-tapos ang mga bahay. Sana naman, may makapagbigay ng mga kakailanganin at gusto ko nang matapos ang mga bahay para matirahan na ng dalawampung mahihirap na pamilya.

20 comments:

PEACHY said...

maganda ang misyon ng GK. Sana nga matapos na ang inyong misyon :-)
magandang araw ka LP. Ito ang aking simpleng misyon http://mpreyes.blogspot.com/2009/06/lp-60-misyon.html

fortuitous faery said...

kudos on your gawad kalinga project! :)

Paula said...

Marami na nga ang may misyon tumulong sa GK. Maganda din naman talaga ang kanilang proyekto. Magaling!

Happy LP!

Willa said...

marami na akong narinig tungkol sa Gawad Kalinga na iyan at sa palagay ko eh maganda talaga ang kanilang misyon. :)

SASSY MOM said...

Ang sarap tumulong sa gawad kalinga lalo na kung maririnig mo ang istorya ng mga buhay ng maninirahan. Nakaranas din akong makatulong niyan at ibang klaseng high ang nararamdaman ko.

Heto ang aking lahok.

Nortehanon said...

Wow, GK volunteer ka po pala. I take my hats off to you. Talagang masarap sa pakiramdam ang makatulong.

an2nette said...

maganda ang tema mo, ang pagtulong sa mga proyekto, nice photo

kg said...

matagal ko na gusto mag volunteer sa GK. as in! sana magawa ko someday!

maligayang huwebes!

LadyFi said...

Here's hoping the building of the remaining homes is completed soon.

thess said...

Tukayo, sana nga ay may mag fund sa proyekto ninyo. Napakagandang misyon ng pagtulong, saludo ako!

Unknown said...

sana matapos nyo ang inyong GK project para mapakinabangan ng mga walang bahay.

natawa ako sa korean telenovella mo...marami talagang naho-hook sa mga ito.:D

Ria said...

I've always wanted to volunteer at GK...maybe someday! For now, my mission is here

iris said...

yan ang di ko pa nat-try, ang sumali sa GK project. mukhang nakakapagod pero sobrang rewarding naman. :)

Zee said...

maganda naman ang misyon mo sa GK! worthwhile nga at makatulong pa sa kapwa tao...

lino said...

parehong magandang misyon.... hehehe... happy LP... :)

Rico said...

Ganda advocacy yan!

Carnation said...

salamat sa dalaw. one chapter a day or a week or a month puede naman. good read itong book na ito. take care

Hildegarde said...

an emphasis on good things, that must indeed be nice to watch. I hope you find funds for the building !

incoherent said...

siya pala si Hwang Bo! yung kaibigan ko kasi sobrang fan na fan siya.

sana nga matapos niyo yung ginagawa niyo para sa GK.

laagan said...

HAHAHAH...natawa ako sa korean telenovela mo...ganun na ganun din ako dati nung nasa pinas pa ako...
hey i do admire you for what you are doing for gawad kalinga. i wanted to do that myself pero wala akong time nung sa pinas pa ako..hopefully one of these days i will be able to help build a community.