These are the kids who were tailing us around when we visited Overview Park, Bukidnon last month. Most of them were selling snacks and candies. Their common words to convince us to buy were "Please buy so we can buy paper and pencil." I was taken aback by what they said because of their little sizes and young ages, I thought that those things should not have been their problems. They should only focus on their lessons or because it was vacation time when we were there, they should have been playing.
Pilipino:
Eto iyong mga batang sunud nang sunod sa amin nang namasyal kami ng Overview Park, Bukidnon nitong nakaraang buwan. Karamiha'y nagtitinda ng mga kakanin at kendi. Ang lagi nilang pangumbinsi na salita, "Bili na kayo, pambili lang ng lapis at papel!". Nabigla ako sa sinabi nila dahil sa ganuung kaliliit at murang isipan, naisip kong hindi dapat nila problemahin ang mga ganung bagay. Dapat leksiyon lang ang problema nila o di kaya, paglalaro lang ang dapat nilang problemahin dahil panahon ng bakasyon nang andoon kami.
The government has a program called "Education For All" but due to poverty, these kids will have a hard time finishing even their elementary schooling if they do not have their paper, pencils and other school needs. They will need the help not only of the government but also from their countrymen.
See, they requested to have their pictures taken and post it on the internet.
Pilipino:
May programa ang gobyerno na "Edukasyon para sa lahat" pero dahil na rin sa kahirapan, kahit libre pa ang edukasyon kung wala namang pambili na lapis, papel at kakailanganin sa pag-aaral mahihirapan pa rin ang mga batang ito na tumapos maski lang man sa elementarya. Kakailanganin nila ang tulong hindi man lang ng gobyerno pati na rin ng kanilang mga kababayan.
O ayan! humingi pa na magpapiktyur sa amin at ilagay daw sa internet.
We were on our way home when this cute kid went after us. She was not selling anything but asked for something to buy for her paper and pencil. I asked her, "Where are your parents?" Her answer: "They are by the street doing some selling."
I asked myself: Is it impossible to eradicate poverty from this country? Is it impossible to help these kids so that the free education program will include free school supplies? Is it impossible to stop greed of people with powerful positions so that we can help give these kids a better future?
Pilipino:
Pauwi na kami nang humabol itong kyut na bata. Wala siyang tinda pero humihingi ng pambili ng lapis at papel. Natanong ko tuloy, "Asan ang mga magulang mo?" Ang sagot niya: "Ayun sila, nagtitinda sa may kalsada."
Tanong ko sa sarili: Imposible bang matanggal ang kahirapan sa bansang ito? Imposible bang tulungan ang mga batang ito para kahit paano iyong libreng edukasyon may kasaling libreng pambili ng kakailanganin sa pag-aaral? Imposible bang tumigil ang kasuwapangan nang mga nasa katungkulan para mabigyan ng mabuting kinabukasan ang mga batang ito?
16 comments:
Hay, kakalungkot ano? Dapat naglalaro at nag-aaral sila hindi ganyan. Kung minsan magulang din ang nagtutulak sa kanila para gumawa niyan at yun ang nakakalungkot.
kawawa naman sila...imbes na naglalaro at nag-aaral, child labor ang inaatupag. touching photos.
http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/06/imposible-ba.html
Sana maisip ng mga bata na,bakit kami ang nadito? sana nag-aaral ako.
sana makaahon ang ating bansa sa kahirapan ...sana
dapat din ang mga magulang ay mag family planning ng sagayon di nag sa-suffer ang mga anak...
kawawang mga bata..sana hindi imposibleng dumating ang araw na wala ng batang mga hindi nakakapag-aral katulad nila.
ako pla yung anonymous na yun..hehehe
nakaka-lungkot naman ka-LP...
nandito ang lahok ko... http://chicpinay.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-imposible-ba-ito.html
Para na ring nakapunta ako doon. Thanks for commenting in my ilio.ph blog.
ang mga bata ang nagkakaproblema sa iskuling nila na dapat ang magulang nila ang nagdadala.
Kailan kaya magkakaron ng 'konreto' at 'malawak' na programa ang gobyerno para sa mga kapuspalad na kabataan?
posible kung tayong lahat ay magtutulungan :)
pagpray lang natin.. :) gusto ng Panginoon na lahat tayo ay magkaroon ng masaganang buhay. at isa pa, mahal Niya ang mga kabataan :)
=
eto naman po ung akin :D
Imposible ba ito?
HAPPY HUWEBES KA-LP :D
Ang lungkot naman... pero parang imposible na ma-irradicate ang poverty sa ating bansa at sa buong mundo....
kawawa naman ng mga batang yan...i've seen a lot sa Dumaguete..some tell us that they can't go home until they sell everything in their baskets...some say their parents get mad when they go home empty handed....
kawawa ano?
Tukayo, marami ka bang ibinili ng papel at lapis nuong araw na iyun?
ang gaganda ng kuha!
lamo ba ganyan din ako at hindi ko kinakahiya sabihin na nagtitinda ako ng plastic bag sa palengke nong maliit palang ako para may pambiling bagong gamit sa school.
sa tingin ko ang mga batang pinanganak na mahirap ay yan na ang tinatawag na laro sa kanila. paramihan ng maititinda at kung sino mas marami yun ang bongga. yan ang laro ng mga batang mahirap. ang mga batang ganyan nagiging responsable at malamang isa sa kanila ay guminhawa ang buhay paglaki. pustahan tayo majority ng mga nasa abroad ay mahirap lang nong maliliit pa sila.
happy LP!
Kakalungkot nga. Minsan hindi na natin alam kung sino nga ba ang dapat sisihin. Pero mas maganda kung tayo ay may gagawin, kahit man lang sa isang maliit na paraan
naniniwala ako na hindi imposibleng masolusyunan ang suliranin ng kahirapan at edukasyon. basta kumilos lang tayo nang paisa-isa para huwag tayo mabilaukan. kasi kung papagumon tayo sa L-A-K-I ng problema at sa simula pa lang ay susuko na, wala talaga tayong mararating.
we can take care of the kids one child at a time, one scholar at a time. it may not work for those with low EQ people (like myself!) but at least we are doing something concrete rather than cursing government all the time.
akomismo, so goes the ad.
hay, sa halip na magagandang childhood memories, kahirapan ang kinamumulatan nila. ang lungkot no? pero sana nga, hindi impossible :-)
Post a Comment