I have so many dreams, so many things that I want to do and experience, and so many places I want to go to. I know I am not alone in having these dreams.
One of the things that I still want to do is mountain climbing. I have done it years ago and yet, there are times that i still miss it. The exhilarating and fulfilling feeling upon reaching the top and looking down at the world is really extraordinary. I always felt like Superman when I am on top of the mountain. I think, that is how the gods feel while looking down on us mere mortals.
Pilipino: Ang dami kong pangarap, ang dami kong gustong gawin at maranasan, at andaming mga lugar na gusto kong puntahan. Alam ko, hindi ako nag-iisa sa ganitong mga pangarap.
Isa sa mga bagay na gusto ko pang gawin ay ang umakyat ng bundok. Nagawa ko na ito noong mga nakaraang taon kaya lang may mga panahong hinahanap-hanap ko pa ito. Ang pakiramdam nang tagumpay at kasiyahan tuwing naabot ang tuktok at ang pagtingin sa nasa ibabang mundo ay kakaiba. Feeling Superman ako palagi kapag andon ako sa itaas ng bundok. Sa tingin ko, ganito ang pakiramdam ng mga bathala habang nakatingin sila sa ating mga mortal sa ibaba.
This is the rockies near the crater of the father of Philippine mountains, Mt. Apo. This is not a black and white picture but because of the thick fogs and some rains, the color of the surroundings changed. Being there was really surreal and out of this world. By the way, digital camera was not yet invented when I took this picture.
I dream of doing mountain climbing outside the Philippines. It would be nice to be able to climb Mt. Everest but I do not think my powers can do it which is why I would like to try Mt. Fuji of Japan and Mt. Hall of Jeju Island, Korea or any other mountains in other countries where I can shout "I am Superman!".
Pilipino:
Ito ang batuhang malapit sa bunganga ng pinakatatay ng mga bundok sa Pilipinas, ang Mt. Apo. Hindi ito black and white na litrato pero dahil sa mkakapal na ulap at konting ulan, nag-iba ang kulay ng kapaligiran. Ang mapunta doon ay surreal at walang kasintulad. Siyanga pala, hindi pa naimbento ang digital na paglilitrato nang kunan ko ito.
Pangarap kong umakyat ng bundok sa labas ng Pilipinas. Maganda sanang makaakyat ng Mt. Everest pero hindi na kakayanin ng powers ko kaya ayos na sa akin ang Mt. Fuji ng Japan at Mt. Halla ng Jeju Island, Korea o maski anong bundok sa ibang bansa na puwede akong sumigaw sa tuktok nang "Ako si Superman!".
14 comments:
or puwede mo rin kantahin yung kanta ni karen carpenter..."i'm on the top of the world..."
kuweba pa lang ang naaakyat ko sa probinsya namin...hindi pa yung hardcore na mountain-climbing talaga. :P
hi..nice post...
have a nice day
Marites, sana nga ay maakyat mo muli ang mga kabundukan sa pangarap mo. Bilib ako sa tatag ng loob mo, pati na rin sa kondisyon ng katawan.
precious photos!
Happy LP!
subukan mo rin ang Mount Pulag sa Benguet, yon yata ang highest peak dito sa Luzon. mahirap na masarap ang mountain climbing. i tried it a couple of times, gusto ko pa rin pag may opportunity ulit. ang sarap ng feeling pag nasa tuktok ka ng bundok, admiring all God's creation...at feeling mo, you have conquered something within yourself.
Magandang mithiin 'yan. adventurous na mga tao lang ang kayang gawin ang umakyat sa bundok. at siyempre kailangan ng matatag na tuhod.
Naalala ko may inakyat kaming bundok or burol ba 'yon sa bandang La Union, namingi ang tenga ko. Pero masarap ang pakiramdam kapag nasa tuktok ka na.
Hi,ok na pangarap yan kaya lang di applicable sa akin, baka sumakit ang rayuma ko, thanks sa visit ka-LP, nice shots
di pala sa digicam kuha ang mga pics na yan. :)
wow! pangarap ko rin magmountain climbing kaso wala akong equipment at namamahalan pa ako :-) ang ganda siguro ng tanawin mula sa ituktok ng bundok.
Salamat sa pagbisita. nawa'y matupad mo ang pangarap mong akyatin na bundok :-)
sana matupad mo ang pangarap mo :)
me pangarap din akong akyatin na bundok, yan ay sa Mt Pulag :) gustong kong matupad yun by next year kaya ihahanda ko ang sarili ko sa pageehersisyo,tamad kasi ako at lampa pero gusto ko talagang mapuntahan sya!
Happy LP!
sana ay matupad ang wish mo. kakapagod yan hehehe
Nakakatuwang malaman na nakarating ka na rin pala sa Bundok Apo. At nauunawaan kita sa pakiramdam.
Salamat sa pagbisita.
Wow! I would want to try mountain climbing too pero I don't think kaya ko yan!
hehehehe haven't been to Mt Apo too pero I've heard na maganda daw doon... hehehe
sa Negros naman merong Mt Talinis pero hindi ko rin ito na-explore...hehehe :)
Maraming salamat sa napakagandang litratong iyong ibinahagi sa amin. Ako din tulad mo ay gustong umakyat ng bundok. Isang beses ko pa lang iyon nagagawa at sana ay magawa ko ulit.
These are nice pictures. I miss mountain climbing.
Post a Comment