Kakayanin mo bang pumasok sa isang kuwebang tingin mo’y puno ng tubig, lalo pa at inaakalang madilim na madilim sa loob? Napatinag kami nang sinabi ng aming bangkero na kailangan languyin ang pagpasok sa kuwebang ito (nagbibiro ka ba, bangkero??!) Eh, napakadilim kung titingnan galing sa labas. Ngunit dahil na rin sa kanilang pagbibigay katiyakan ng aming mga bangkero na hindi ganoon kadilim ang looban ng kuweba ay dahan-dahan kaming lumangoy sa loob. Laking gulat at mangha namin nang sa pagpasok ay parang inilawan ang kuweba (siyempre pa, lumalangoy pa rin kami habang nakatunganga). Ang dahilan daw nito ay ang liwanag na nanggagaling sa labas na tumama sa tubig at dinding ng kuweba na may mga makikislap na mineral kaya parang mistikong nakailaw ang loob nito, kaya naman kinailangang tumahimik kami dahil daw kilalang engkantando ang lugar na ito. Siyanga pala, napapasok lang ang kuwebang ito tuwing pagkati ng tubig.
Kuha ang litrato sa Sohoton Cove, Socorro, Isla Bucas Grande, Surigao del Norte.
Translation: Can you get inside a cave that you can see to be full of water and you thought to be quite dark inside? It took us a while to think about this after our boatman told us that we needed to swim to get inside this cave (are you kidding, boatman??) The cave looked so dark as we see it from the outside; however, with the assurance given by him that the cave was not that dark, we took the plunge and we slowly swam in.
To our amazement and surprise, the cave looked well-lighted inside when we got in. The reason for this was the light that came from outside reflected through the waters and bounced off on the shining minerals on the cave walls which gave the interior of the cave its mystical color. That is why we have to be silent as this place is also well-known for being enchanted. By the way, this cave can only be accessed during low tides.
The picture was taken in Sohoton Cove, Socorro, Isla Bucas Grande, Surigao del Norte.
19 comments:
Takot ako!! Malalim ba??
-Hello! Thanks for visiting my site and for the comment nadin :=)
I've been to Soccoro and have visited this place. I miss my relatives there, heheheh'
Naku,takot ako kasi di ako marunong lumangoy....
wow, mukhang exciting 'to! ewan ko pero kahit matanda na ako, naiisip ko pa rin na may monster sa ilalim ng tubig pag nasa loob ng kweba.:D
oh wow! must have been an exciting experience! kainggit ha :)
Happy LP!
hello..first entry ko pa lang sa LP
...try mo visit..:)
nga pala...ang ganda ng cave..san ba yan?
http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-1-kadiliman.html
http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-1-kadiliman.html
Ang linaw naman ng tubig, at mukhang relaxing. Nakakainggit naman.
wow, exciting! ang saya naman ng swimming niyo.
salamat sa pagbisita mo sa aking lahok. Mas matatakutin ka pa ata sa akin e. hehehe!
Ang sarap naman magswimming dyan! :)
Mukhang mapanganib (kahit alam mo na hindi). I would totally go in ... thanks for visiting my ilio.ph site.
ang ganda talga sa atin!
gandang lugar!
sana'y madalaw nyo din po ang aking mga lahok: Reflexes at
Living In Australia
Naalala ko na naman yung sagada trip namin, the best!:D Grabe nung sa caving, pinatalon kami sa isang part nung cave na puno ng tubig, e hindi naman kita yung ilalim! As in talon:P katakot, hehehe. Pero the best pa rin:D
uy ang sarap naman nyan....must be a great adventure noh? Type ko lumangoy langoy dyan :)
Kakambal ng lochness monster nanjan! joke!
Totoong nakakatakot, bukod sa madilim nakakatakot lumangoy...Happy LP kahit late...
hi tess,bisdak dyud! lol mahadluk ta ana ba, kweba unya ngitngit pa yikes!
salamat sa duaw tess! happy weekend!:)
wow! murag nindot kaayo bisitahun. daghan pa kaayo ug lugar na adtuan diri sa pinas.
thanks for visiting!
Post a Comment