4/15/2009

Litratong Pinoy#46 Hardin (Garden)

We spent our first night in Camiguin the other week at Enigmata. Enigmata is a well-known hostel in Camiguin. It is a unique place because not only because it is a treehouse hostel but also of its artistic objects that you can find around the place.

Upon entering the place, you will see their garden that is full of plants and big trees. I will not be surprised if Tarzan will suddenly appear swinging among the vines with Jane.

Pilipino: Unang gabi namin sa Camiguin noong isang linggo, sa Enigmata kami tumuloy. Ang Enigmata ay isang kilalang hostel na nasa Camiguin. Kakaiba ang lugar dahil hindi lang sa bahay-puno pati narin sa mga likhang makasining na makikita sa iba't ibang panig nito.

Pagpasok mo pa lang, tatambad ang kanilang hardin na punung-puno ng iba't ibang klase ng tanim at naglalakihang puno. Hindi ako magtataka kung biglang susulpot si Tarzan kasama si Jane na palipat-palipat sa mga baging .


There are unique artistic items in the garden like this giant wormy thing.
Pilipino: Meron pang mga kakaibang makasining na mga bagay sa hardin gaya nitong higanteng mala-bulate.


Here is another one..they have this guy who is comfortably resting with his back on a smiling crocodile.
Pilipino: Eto pa ang isa..may lalaking nagpapahinga at nakasandal pa sa isang nakangiting buwaya.

All in all, Enigmata was fun. What they need to do is spruce it up and clean up more the surroundings.
Pilipino: Sa kalahatan, nakakatuwa ang Enigmata. Kailangan lang sana nilang mas ayusin at linisin ang kapaligiran nito.


20 comments:

milet said...

natawa ako sa tarzan and jane portion mo kasi un ang nasa utak ko nung nakita ko ung mga piktyurs. happy lp! salamat sa pagbisita.

Rico said...

Sikat nga ang Enigmata dyan sa Camiguin. Sayang lang at hindi man lang kami nakadalaw dyan noong napunta kami ng Camiguin ilang taon na ang nakakaraan.

Mirage said...

Hihi, tarzan and jane dito tira? lol.Hay Camiguin talaga=beauty and mystery! Salamat sa pagpapasyal! Happy LP!

Unknown said...

sayang di ko nabisita ito when i was in camiguin. i'm sure cool ang hangin dito, ang ganda ng green...

kaje said...

oo nga nakakatawa yung tarzan at jane comment :)

salamat sa pagbisita!

shutterhappyjenn said...

Parang nakita ko na ito sa TV - or sa isang magazine. Wish ko lang makarating din ako ng Camiguin.

Ang aking Hardin ay nakapost na rin dito, ang sa aking kapatid naman ay nakapost dito. Isang magandang araw sa iyo, ka-litratista!

chryseisvivienne said...

hello! tutuo na di kaya ng isang araw na lakaran ang forbidden city. kinarir ko - napagod ako. mwahahahaha! ang dami ko namiss pero ayos na din.

ganda naman ng iyong mga larawan ng camiguin. lam mo, di pa ako nakapunta dyan. salamat sa pagbisita sa aking page. :)

Four-eyed-missy said...

Hi Marites.
Pangarap ko talaga ang mapuntahan ang Camiguin at iba pang lugar sa Mindanao na na-feature mo dito. Davao City at CDO lang kasi ang napuntahan ko.


Sreisaat Adventures

spiCes said...

dko pa ito napuntahan. maganda nga!:) kakaiba..

Carnation said...

ang sarap matulog siguro dyan ... hindi pa rin ako nakapunta sa area na yan. ito sa akin: ang gaganda ng mga bulaklak! ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/04/lp53-hardin-garden.html

Ciela said...

Wow, ganda ng place! Sana makapunta din kami dyan!

laagan said...

galing naman nito..naka punta na ako sa camiguin pero di namin na bisita ito. yung resort na me hot spring..yun ang na puntahan ko

an2nette said...

Hi! i have an idea where to go next pag jan kami sa pinas, nature na nature ang dating

fortuitous faery said...

ang ganda naman dyan! lalo na yung may mataas na kubo!

crocodile statue nga ba yun o bayawak? :P

agent112778 said...

wow Enigmata

noong naghahanap ako ng hostel ng Camiguin sa inet, eto ang pinka-agaw pansin sa atension ko

salamat sa pix at nagyon may idea na ako at pusigido na ako jan

sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

alpha said...

ang laking butiki naman nyan (o bayawak ba yun?)

salamat sa bisita.

bing said...

philippine is truly a beautiful country. one day i will be visiting these beautiful places..

Ken said...

How fun! Thank you for visiting sa ilio.ph ko.

Joe Narvaez said...

Ang ganda naman! Gusto ko ring marating ang lugar na iyan.

Agring said...

Wow! ang ganda namn dyan! salamat sa dalaw!