4/30/2009

Litratong Pinoy#48 Tulay(Bridge)

This is the wooden bridge/walkway in Cloud 9, Siargao Island. It is usually used by surfers to get near the sea especially during low tides. Last 2004, it was heavily destroyed by big and strong waves, it has to be repaired and replaced with more durable wood materials.

Cloud 9 is a well-known place in Siargao Island for its thick and hollow waves that is known to be one of the most difficult waves to ride for surfers. This place is a favorite destination among foreign surfers.
Pilipino: Ito ay ang tulay na kahoy ng Cloud 9, Siargao Island. Ginagamit ito ng mga surfer para mapalapit sa dagat lalo na tuwing pagbaba o pagkati ng tubig. Noong 2004, ito ay malubhang sinira ng malalakas at malalaking alon na kinailangang palitan ng mga mas matitibay na kahoy.

Ang Cloud 9 ay isang kilalang lugar sa isla ng Siargao dahil sa kanyang makapal at hungkag na alon na sinasabing isa sa pinakamahirap masakyang alon ng mga surfers. Ang lugar na ito ay paboritong bisitahin ng mga banyagang surfers.

21 comments:

Rico said...

Nagpunta dyan minsan ang ilang mga kaibigan ko upang panoorin ang surfing competition. Sayang nga at hindi ako nakasama.
Happy LP!

Mirage said...

Magandang photo opp ang lugar na ito panigurado! Hanga din ko sa tulay kung paano iyan ginawa hehe. Happy LP!

agent112778 said...

uy!! ang ganda...naalala ko tuloy yung tulay na ganyan sa may Lapu-Lapu shrine

sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

julie said...

Ay, ang ganda naman diyan! :)

~~jennyL~~ said...

parang ang sarap naman pumunta dyan at magbakasyon.. salamat sa pag dalaw sa 2 blog ko

happy LP

milet said...

wow, ganda. parang ang sarap puntahan nyan ah.

marlster said...

Wow Siargao! At ganda ngang magpakuha ng litrato sa ganyang background. Sarap din sigurong tumambay dyan.

salamat sa pagdalaw sa aking blog.

Four-eyed-missy said...

Wow, Siargao!
Matagal na rin itong surfing destination sa Pinas at talagang dinudumog pa rin ng mga foreign surfers. Sana makarating ako dyan.


Sreisaat Adventures

Junnie said...

Ganda ng anggulo ng pagkakakuha...ang Nanay ko lumaki sa Siargao..so malamang diyan na rin maninirahan pagtanda...

ian said...

wow =] what a great service this bridge provides =] i'm just wondering if with all the influx of tourists, has the pristine condition of the island suffered already? or are the leaders managing their "visitors" well? =]

thanks for visiting my blog earlier =]

Unknown said...

haaaay yan ang gusto kong tulay. ang galing ng pagkakakuha mo ng larawan sa iba't ibang anggulo!
makapunta rin sana ako diyan balang araw....
salamat sa dalaw ha!
stel

Willa said...

sweet naman ng pangalan ng lugar na yan, Cloud 9,galing ba yun sa chocolate candy bar w/ the same name, or dahil feeling nasa cloud 9 ka sa ganda ng lugar?

Ken said...

I like the leading lines here. Thanks for commenting at my ilio.ph site.

Ciela said...

Ang ganda naman ng photo shot na yan!
Siargao is one place I want to see too. Sana, I can go there one of these days.

http://ailecgee.i.ph

HiPnCooLMoMMa said...

gusto ko marating ang Siargao, sana balang araw makapunta ako

Marites said...

Ian, we have the same worry. So far, I have seen some improvements (eg. infrastructure,telecom, and transportatoin) in Siargao compared to what it was years ago. The locals and local govt are working hand in hand in protecting their island. My only real worry is that more and more foreigners are owning prime real estate properties courtesy of their Filipino spouses or I heard some of them use Filipino dummies.

i'm babie said...

Ang ganda!!!

Joy said...

Surfer ka? Galing naman!
Nagustuhan ko rin yung composition ng kuha mo.
Salamat sa pagbisita mo sa LP ko.

RoseLLe said...

mukhang napakagandang lugar niyan...mukhang magaling ka ding mag-surf dahil nandiyan ka :) ganda ng kuha mo :)
ReflexesLiving In Australia

Joe Narvaez said...

Wow ang ganda nung unang kuha!

ces said...

hindo ko pa napuntahan ang lugar na ito, mukhang maganda:)