3/12/2009

Litratong Pinoy#42 Blusa/Polo

May nabasa ako noon na patungkol sa isang matandang obserbasyon ng isang dayuhang Espanyol tungkol sa nakita niyang kaugalian ng ating mga ninuno noong kapanahunan ng Espanyol sa ating bansa. Ang sabi niya, ang mga katutubo raw ay tila walang kahihiyan sa pagpapakita ng kanilang maselang parte ng katawan at bagkus pa’y nakikihalubilo pa sa kapwa na halos wala o kokonti lang ang saplot, gaya ng isang inang nagpapasuso sa anak na walang suot na blusa o takip sa dibdib:


Translation:
I read something about an old observation of a Spanish about our ancestors’ ways during the Spanish period in our country. He said, the natives seem to have no shame in showing off their sensitive parts of the body and even mingle with less or no clothes on, just like this breastfeeding mother who has no blouse or cover over her chest:

O di kaya ng isang lalaking mandirigma na nakabahag at may telang nakasampay lang sa dibdib:

Translation:
Or this native warrior who is only on g-string with a strip of cloth hanging across his body:




Para sa maobserbang dayuhan, isa itong palatandaan ng kakulangan ng kultura at kaalaman ng ating mg aninuno. Ngunit sino ba ang mas may tamang kultura at kaalaman, ang ating mga ninunong may wala o simpleng pananamit at mapayapang pamumuhay o ang mga dayuhang nakialam at sumakop sa ating bayan?

Translation:
For the observant foreigner, this was a sign of lack of culture and knowledge of our ancestors. But who has the right culture and knowledge, our ancestors who wore no or simple clothes and lived peacefully or foreigners who conquered and messed up our country?

12 comments:

Anonymous said...

si "machete" naalala ko dyn eh :)

Anonymous said...

natawa ko sa comment ni kiwi...

Anyway kasi nakasanayan na yan, sabi sa amin ng sociology teacher kapag daw sinuotan mo sila ng damit magkakasakit sila, di gaya natin na nasanay sa damit, kapag hinubaran e doon naman nagkaksakit :D Aliw ang photos mo ha, happy LP!

-- www.gmirage.com

Anonymous said...

nakasanayan na kasi nila yan. atsaka yan ang kultura nila eh. siguro nashock lang ung foreigner.

salamat sa pagbisita. happy lp.

Anonymous said...

wow.
ou nga ano.
pakialamero kasi mga kastila hahaha.

happy huwebes.:D

nice one. maganda itong entry nio po :)

SASSY MOM said...

agree ako, na-shock siguro ang mga banyaga, Eh, bakit ba sila nangengelam, hahaha :-) Ganda ng kuha mo.

Anonymous said...

ang ganda ng lahok mo!:)

HiPnCooLMoMMa said...

lack of culture? pambihirang mga dayuhan naman yan. baka sila ang hindi cultured.

eto naman ang aking lahok.

Mojo said...

People just don't get it. Even today. Maybe even more so today. If it's not "like us" then it's savage and barbaric.

Maybe it's because they don't look so good themselves without their clothes on.

Anonymous said...

baguio city!

historical ang take mo sa theme ngayon, ha. and thought-provoking! :)

escape said...

"Ngunit sino ba ang mas may tamang kultura at kaalaman, ang ating mga ninunong may wala o simpleng pananamit at mapayapang pamumuhay o ang mga dayuhang nakialam at sumakop sa ating bayan?">>> lahat naman tayo nagsimula sa ganun. hindi lang maisip ng mga kastila yon. hehehe..

Anonymous said...

Inggit lang mga dayuhan kasi magaganda katawan ng ninuno natin :D

Anonymous said...

Ay bold! Haha! Natawa din ako sa comment ni Kiwi. Tama mga sinabi nila na nakasanayan na nila yan. I'm sure tayoo din ganyan kung nakasanayan na natin. At tama din sila na malamang hindi familiar ang mga dayuhang iyon sa mga kwento ng nakaraan. Para halos lahat naman yata eh nag-umpisa sa ganyan, Pinoy man o banyaga :)