9/04/2008

Litratong Pinoy# 16 Tanso (Copper)



Unang punta ko ng Estados Unidos, andami kong napasyalan dahil na rin sa kabaitan ng aking mga kamag-anak na nandoon. Isa sa mga napasyalan namin ang Alamo na nasa San Antonio, Texas.

Ang Alamo ay isang makasaysayang lugar. Dati itong parte ng Mexico ngunit nakuha ng Estados Unidos. Nang ito ay ng sinubukang bawiin ni Gobernador Sta. Ana ng Mexico, nagkaroon ng madugo at makasaysayang labanan; marami ang namatay sa magkabilang panig.

Nakuha ko itong unang pinitpit na sentimo sa loob mismo ng Alamo. Binigay sa akin ng aking tiyahin para paalala na napunta ako roon.

Ang pangalawang tanso naman isa ring pinitpit na sentimo na bigay sa akin ng isang taong malapit sa akin. Namasyal kami sa Charleston, Timog Carolina. Napakaganda ng araw na iyon at andami naming napasyalan. Maganda at makasaysayan ang Charleston at isa ito sa mga lugar na gustong-gusto ko sa Estados Unidos. Sana, makabalik ako ulit kaagad. Susubukan ko ring mangulekta nitong pinitpit na sentimo sa bawat lugar na mapuntahan ko.

Translation:
Through the kindness of my relatives I was able to see a lot of places in the United States the first time I got there. One of the places we have visited is the Alamo in San Antonio, Texas.

The Alamo is a historical place. It was once a part of Mexico but was taken by the United States. The Battle of Alamo became bloody and historical when Gov. Sta. Ana of Mexico tried to reclaim it, a lot of people died in the battle.

I got this first pressed penny right inside the Alamo. It was given by my aunt as a souvenir.

The second copper is also a pressed penny which was given by somebody close to me. We went sightseeing in Charleston, South Carolina. It was such a beautiful day and we have seen a lot of the place. Charleston is quite beautiful and historical and it is one of the places in the United States that I really like a lot. I hope I can return to it again. I will also try to start collecting pressed pennies from wherever place I can visit.



13 comments:

Anonymous said...

kelangan mo nga lang ng 2 quarters para makagawa ka ng ganyan... maligayang araw ng huwebes... :)

Anonymous said...

Ang ganda niyan, souvenir sa mga lugar na napuntahan :)

Dr. Emer said...

Simultaneously historical and romantic.

True treasures, indeed!

HiPnCooLMoMMa said...

magandang souvenir yan

http://hipncoolmomma.com/?p=2063

Anonymous said...

An ganda ng korte ng pinitpit, at ang sarap mo naman bigyan ng souvenirs, talagang iniingatan mo :)

Happy LP!

Bella Sweet Cakes said...

OO nga naman tanso nga namn yan... hay,, ako naman nahirapan maghanap eto nakita ko http://aussietalks.com/2008/09/litratong-pinoy-tanso.html

Anonymous said...

wow ang ganda :)

Masayang LP Huwebes sa inyo.
eto po ang aking lahok.

Anonymous said...

Pareho kayo ni Fortuitous Faery ng lahok pero pareho din namang kagaganda!

Galing ng nakaisip ng mga souvenirs na ganito, ano?

Anonymous said...

ito na nga ang dapat kong koleksyon!:)

Anonymous said...

Ang galing! Happy LP! Meron din akong lahok,HERE pag may oras ka lang daan naman:)

lidsÜ said...

uy pennies again! cute!

Anonymous said...

Thanks for the visit..I am so happy here with my man..He's wonderful..I like here..

Anonymous said...

mayroon din akong ganyan mula sa dalawang siyudad dito sa Australia.