8/22/2008

Litratong Pinoy#14 Mithi








Matagal ko nang minimithing maisama sa pagliliwaliw ang aking mga magulang maski sana paminsan lamang. Matagal-tagal na kasi silang hindi nakakapamasyal ng malayo-layo kasi nga, nitong mga nakaraang pasyalan hanggang dagat lang ang lagi nilang napupuntahan.


Natatandaan kong nagustuhan nila ang Lungsod ng Baguio noong una nilang punta doon mga ilang taon na rin ang nakaraan. Kaya, maganda sigurong isama sila doon at ipasyal uli. Mahilig din kasi ang aking ina sa mga bulaklak at tiyak magugustuhan niya ang Kampo ng John Hay dahil na rin doon sa kanilang hardin na may makukulay na bulaklak at siyempre pa, ang kanilang malamig na panahon.


Translation:

I have been longing to take my parents along in some of my travels, even just for a while. It has been so long since they have traveled long distance as their most recent travels were usually just by the nearby beach.


I remember that the first time they went to Baguio City a few years ago, they liked it so much. So, it will be wonderful to travel there with them again. My mother likes flowers and for sure she would Camp John Hay for its colorful flowers and of course, the chilly weather.

10 comments:

 gmirage said...

Superganda pa din ng baguio kahit matagal na panahong lumipas! Supergreen!

sana mangyari ang minimithi mo, best regards sa inyo!

fcb said...

nakaka-miss ang baguio!!!

Anonymous said...

matagal-tagal na rin akong nde nakakapunta ng Baguio, hmmm... mayaya nga si boypren hehehe!! madami akong happy moments dun with my friends... kaka miss talaga!

arvin said...

Naku, 4 years old ako nung pumunta kaming baguio, kaya sana talaga e makapunta ako ulit, hehehe:D

agent112778 said...

buti pa kau miss nyo ang baguio. ako, parang isang mabigat na trabaho ang pumunta ng baguio. pero alam nyo sa tuwing pupunta kami ng baguio, gusto kong pumunta ng camp john hay. yung nalang kasi ang di ko napupuntahan. lagi kasi kaming nasa SM or burnham park :(

fortuitous faery said...

naalala ko rin ang botanical garden sa baguio...

ganda ng litrato mo!

HiPnCooLMoMMa said...

bigla kong naisip ang Mom ko, parati ko din syang gusto ipasyal. kung pede ko nga lang din ba syang isama sa lahat ng pagliliwaliw ko

Anonymous said...

Sana madala mo sila don, maganda talaga don kasi don ako lumaki at di ako nagsawang balik-balikan...

Anonymous said...

hi sis, naku ang huling punta ko ng baguio ay 1998 pa yata, hehe. halos sampung taon na pala kaya naman sasama ako sa pagliliwaliw mo dun at ng parents mo, hehe. :)

sana matupad ang iyong mithi, i'm sure ikakagalak iyon ng iyong mga magulang. :)

Mithing Paghimbing sa MyMemes
Mithing Pagpanalo sa MyMemes

Anonymous said...

hehehhhehe pupupunta ako jaaan pramisssssssss