Matagal ko nang gustong magkaroon ng pinta sa katawan kahit maliit lang kaya lang dahil gusto ko ring mag-abuloy ng dugo paminsan-minsan at dahil bawal ang may tattoo, nagkasya nalang ako sa Henna tattoo. Kuha ito noong nasa Siargao kami nitong nakaraang Marso. Pagkabukas, pumunta kami sa Sohoton cove sakay ng bangka. May nakatagong lugar doon na matagal ng sangtuwaryo ng mga dikya or jellyfish. Binabantyan ngayon ng lokal na gobyerno sa tulong ng mga tribung nandoon. Nakakita na ako ng dikyang mahapdi at masakit makatama sa katawan, pero etong dikya sa Sohoton walang talab! Kakaiba!
Translation:
I wanted to have tattoo but I was not able to do it as I also donate blood periodically. So, I just make do with the Henna tattoo. This pic was taken when we were in Siargao last March 2008. The next day, we went to Sohoton cove on a boat. There is a hidden place being protected and guarded by the local government and the tribes in the place that is considered as jellyfish sanctuary. I have already seen jellyfish that really sting badly but the Sohoton jellyfish does not sting. Really unique!
Ayan, magkaibigan ang dikya at tattoo ko.
Translation: See, my tattoo and the jellyfish are friends.
8 comments:
cute naman ng butterfly henna tattoo mo! at ang laki naman ng dikya! sa probinsya namin, kahit maliliit na dikya, masakit tumama sa katawan...lalo na yung transparent!
ang ganda ng tatoo mo! cute din ng jelly fish - kulay yellow. i saw one before bt it's bluish and white.
happy LP!
Lakas ng loob mong makisawsaw ng paa sa may dikya ha!
Nice tattoos!
Salamat sa mga magagandang salitang iniwan mo sa aking blog (bagama't para sa aking 'guest blogger ang mga iyon). Makakarating. :)
ang ganda na tattoo mo...at nakakatakot ang dikya :)
ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/08/litratong-pinoy-nag-iisang-bandido-ng.html
ang cute ng tattoo mo. pati na din ung jelly fish.
eto po sa akin.
http://www.inthespiritofdance.com/2008/08/lp-19-ako-at-ang-koleksyon.html
cool
Hindi pa ako nagkakahenna, lalo na kung tattoo, hehehe. Sino kala ayain ko?:D Alam ko yung galamay lang ng dikya ang mga lason e.
Marami nga ang naaliw dito. Dapat pala masubukan ko ang henna tatoo. Great find!
Post a Comment