8/20/2008

Litratong Pinoy#13 Liwaliw






Pasensiya na at nahuli ang pagsusumite ko ng aking lahok. Paano kasi, isinapuso ko ang ating tema at talagang nagliwaliw ako ng ilang araw.

Mahilig akong magliwaliw lalo na sa loob ng Pilipinas. Isa sa mga hindi ko pa napuntahan pero gusting-gusto kong maabot ang Pambansang Museo para makita ko ang Spoliarium. Dati ko nang gustong makita ang Spoliarium simula nang ito ay aking nabasa noong ako ay nasa elementarya pa. Kasali pa nga ito sa listahan ng mga kailangan kong gawin na inilagay ko sa aking kabilang blog at yahoo! Nagawa ko nga nitong nakaraang linggo.

Kasama ang dalawa kong kaibigan, sina Mye at Ags, pinuntahan namin ang Pambansang Museo pagkatapos naming magpunta sa Manila Ocean Park nitong nakaraang linggo, ika-17 ng Agosto.

Ang Pambansang Museo ay isang lugar ng pamana dahil ito ay isa sa mga naiwang nakatayong gusali pagkatapos ng pagbobomba ng Maynila noong nakaraang WWII. Ito ay mga 2-3 kanto lamang galing ng Manila Ocean Park sa may Kalye Padre Burgos at katabi ng isa pang makasaysayang gusali, ang gusali ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Ang Spoliarium ay nasa loob ng Bulwagan ng mga Maestro, ang pangunahing galerya na nasa gitnang bulwagan ng Pambansang Museo.

Para sa mga Pinoy na nakalimot o hindi nagdaan ng elementarya hehehehe! Ang Spoliarium ay ipininta ni Juan Luna at kanyang isinumite sa Exposición Nacional de Bellas Artes noong 1884, at nanalo ng gintong medalya. Sa panahong ang Pinoy ay nag-iisip na sila’y walang halaga sa tulong ng mga mananakop ng Espanyol, ang pinturang Spoliarium ang nagpakita sa atin na meron tayong alam; sobra pa sa nalalaman natin at sobra pa sa mga gustong ipaalam sa atin ng ating mga mananakop.

Sa bawa’t Pinoy, ang Spoliarium ay isang bagay na dapat na makita, para ipaala-ala na puwede tayong maging dakila kahit noon pa man, kung sana’y karamihan sa atin ay may disiplina at may tiyaga na gawin ang dapat gawin.

Translation: Am sorry for being late in submitting my entry. I have seriously considered our theme for this week and I actually did some wanderings for a few days.

I like going to places especially here inside the Phlippines. I have not yet gone to the National Museum but I have always wanted to go there and see the Spoliarium after having read about it since I was in grade school. In fact, it was included in my list of to-do things I posted in my other blog some time ago and yeepeee! I have done it this past Sunday.

Along with my two good friends, Mye and Ags, we went to the National Museum after checking out Manila Ocean Park last Sunday, August 17.

The National Museum is a heritage site in itself as it is one of the few buildings that remained standing after the extensive bombing of Manila during WWII. It is just about 2-3 blocks away from the Manila Ocean Park along Padre Burgos St. and just beside another historic building, The Manila City Hall.

The Spoliarium is housed inside the Bulwagan ng mga Maestro, the main gallery, which is the room at the center lobby of the National Museum.

For Pinoys who have forgotten and must have skipped their grade school days, the Spoliarium is a painting done by Juan Luna and was submitted by him to the Exposición Nacional de Bellas Artes in 1884, where it garnered a gold medal. At a time, when the Pinoys consider themselves as nobodies with much help from their Spanish conquistadores, the said painting showed to Pinoys have the “smarts”; more than we know and more than our colonizers would let on.

For every Pinoy, the Spoliarium should be a must-see, to remind us that we can be really great ever since a long time ago if only majority of us have the discipline and the will to do the right thing.








12 comments:

Dyes said...

naku, ang huling kita ko sa Spolarium ay noong nasa high school or college ata ako! (waah! napaghahalata ang edad!)

nag-cable car kami paakyat ng Great Wall kaya hindi ako napagod. hahaha!

Anonymous said...

hindi pa ko nakakarating sa national museum. sabi ng teacher ko, "siguro naman lahat kayo nakarating na sa national museum?" ayun, hindi na lang ako kumibo.

Anonymous said...

Nandiyan kamisa Luneta nung Monday lang at sa susunod, diyan kami mamamasyal :)

Anonymous said...

wow nice translation from tagalog to english. Good job..

fortuitous faery said...

hindi ko maalala kung nadalaw ko na ang national museum natin! :(

meron nga pala akong meme tag para sayo...

http://fairywinkle.blogspot.com/2008/08/cuatro-tag.html

Anonymous said...

sana makabisita rin dyan..

yung lahok ko ay kuha ko sa naigara falls. nakalimutan ko ilagay hahaha...

Anonymous said...

Napakaganda ng iyong mga litrato!

sweetytots said...

wla pa ung bagong LP mo d2 nlng ako mgcommento.. sarap ng liwaliw mo ah...

Masdan po ang aking mithi sa lahok ko at gusto ko sang hingin ang inyong suporta, ako po ay nasa Top Momma prin! Magtatatlong araw na ako dito. Sana ay suportahan nyo ko sa pamamagitan ng pag click sa Top Momma Icon na makikita sa aking lahok at i-click muli ang litrato ng aking anak na gaya ng larawang ito na makikita sa TopMomma.com

Sa mga bumoto na at ngclick .. boto ulet.. pwede bumoto every 6 hours.. sa mga hindi pa.. please nman oh.. click lng nman eh.. Salamat at inaasahan ko po ang inyong suporta.

etteY said...

ang ganda ng liwaliw mo ha!

Anonymous said...

college yata ako nung huli kong punta sa national museum! :) baka high school pa nga yata! :)

Anonymous said...

magkasama yata kami ni dyes nung namasyal sa national museum. yun yung first time ko na makita ang spoliarium :)

dapat mas maraming pinoy ang magliwaliw tulad ng ginawa mo para magkaroon ng better appreciation para sa sining at kultura natin. :)

Anonymous said...

i love the scale of the spolarium and how it uses light. its an amazing work of art. i used to do frequent rounds of museums in manila, but i haven't done that since i came to tokyo ;-(