8/28/2008

Litratong Pinoy #15 Ayoko

Napatira kami sa Maynila ng ilang taon at lagi na kapag tuwing may bagyo, pinagdarasal kong umalis na kaagad. Paano kasi, talagang nananalanta ang bagyo tuwing ito’y darating at nakakatakot pang maranasan; para bang nagngangalit ang hangin at ulan sa lahat ng madaanan kaya laking pasasalamat ko ng lumipat kami ng Mindanao dahil hindi rito umaabot ang bagyo. Siyanga pala, itong litrato ay kuha sa Hongkong noong napunta kami taong 2001. Naku! ang takot namin ng sinabi ng mga taga-hotel na Signal #15 ang bagyo! Meron bang ganun? Samantalang hanggang #5 lang ata sa Pilipinas. Ano bang klaseng bagyo ang #15 na iyan, baka pati ang mga gusali ay puwedeng paliparin?! Buti naman, hindi nangyari.


Translation: We lived in Manila for several years and each time there was a typhoon, I would pray that it would go away soon. Because typhoons can really ruined everything each time it would arrive and experiencing it each time was always scary. It seemed that the wind and the rain were so angry, it destroyed everything on its path. I was really thankful that we transferred in Mindanao because we do not have typhoons here. By the way, the picture was taken when we were traveling in Hongkong last 2001. Wow! We were shocked to know that the Typhoon Signal was #15 while in the Philippines, we only have typhoons up to #5. What kind of typhoon was #15? Can it actually get the buildings flying? Thank goodness, nothing of that sort happened.

8 comments:

Anonymous said...

Dios ko po!!signal 15?!?!?! anu yun,every 10km/hr sila nagtataas ng signal? sa pipipinas hanggan signal 3 (100-150km/hr yata)pero more than that, "super typhoon" na ang tawag, madalang lang magka super bagyo.

masayang huwebes, eto po ang akin
http://agent112778.blogspot.com/2008/08/lp22-ayaw-ko-reject.html

yvelle said...

ayoko din ng bagyo.. nakakatakot.. salamat sa dalaw. hanggang sa susunod na huwebes!

fcb said...

Signal #15 - OMG!!! wala akong masabi..parang sinasabi sayong, MAGDASAL KA NA!!! :)

maligayang LP!

Anonymous said...

ngeee! signal #15!!!! whatda! so ano raw ang translation nun sa atin:)

Anonymous said...

iba lang ksai yata ang leveling ng bagyo sa hongkong, kaya di maitutulad ng level natin dito sa pinas...
nasa davao ka pa ba? kagagaking ko lang dyan for the kadayawan festival, check out my photos... :)

http://linophotography.com

Anonymous said...

15?! Kaloka! Buti nalang wala tayong ganyang level dito!

♥SomethingPurple♥ said...

hahahha oo nga ano ba ang signal #15! kaloka!

happy lp!

Stripe&Yellow
Something Purple
Living the Healthy Life
Doll Me Up
Em’s Detour
Vanity Kit

Bella Sweet Cakes said...

Ayyy ,ayoko rin ng Bagyo,, to ngang bahay ko parang binagyo pag nagkalat mga anak ko e...