6/26/2008

Litratong Pinoy#6 Pag-aaral



Maraming problema ang hinaharap ang ating sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kasali na rito ang kakulangan ng mga guro, paaralan at libro. Ang mga libro namang ginagamit sa ngayon ng mga mag-aaral ay maraming bagay na dapat baguhin at itama. Kaya, hindi kataka-takang malaman na maraming nagsasabi na ang kuwalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay napag-iiwanan na ng mga karatig-bansa sa Asya. Nakakapanghinayang siyang isipin dahil noong mga nakaraang dekada, isa tayo sa mga bansang Asyano na maganda ang kuwalidad ng sistema ng edukasyon.

Ngayon, ang ating gobyerno ay gumagawa ng paraan na mapaayos ito sa pamamagitan ng pagpapa-implemento ng pagtuturo ng Ingles sa Matematika, Agham at Ingles. Ngunit, nakaligtaan yata makita ng ating gobyerno ang ibang bansang Asyano. Na kahit hindi masyadong magaling sa pag-Ingles ay mabilis pa rin ang pag-asenso ng kanilang ekonomiya ikumpara sa Pilipinas na mayabang na nagpapakitang maraming dalubhasang magsalita at sumulat ng Igles. Hindi ba isa itong indikasyon na mali ang ating ginagawa? Na pupuwedeng umasenso ang ekonomiya ng isang bansa na gamit ang sariling wika? Na ang kailangan natin ay paghubog ng mga mag-aaral na tunay na nag-iisip at nag-aanalisa at hindi iyong basta-basta nalang ginagaya ang wikang Ingles na parang loro?


TRANSLATION:

There are a lot of problems that beset our country’s educational system nowadays. These include the lack of teachers, schools and books. The books that are being used by the students have a lot of things to be revised and corrected. Thus, it is not surprising to know that lots of people say that our quality of education was already left behind by our Asian neighbors. It is such waste, because during the previous decades, we are one of the Asian countries with very good quality of educational system.

Now, our government is trying to address this situation ay implementing English as the medium of instruction for the subjects: Math, Science and English. But our government must have forgotten to see our Asian neighbors and be able to think; that even if they are not that good in English, they were able to attain economic development compared to the Philippines which is quite proud to show that there are a lot of English experts in speech and writing. Is it not an indication that what we are doing is wrong? That economic development can still be attained by using one’s own language? That what we need is to develop students that are able to think and analyze and not those who just mimic the English language like parrots?

18 comments:

♥ mommy author ♥ said...

naku meron nga daw skwelahan na share ang 3 bata sa isang libro.. grbe ang gobyerno...

Anonymous said...

Ang ganda ng akda mo!
Lagi ko ring naaalala ang standings ng Asian countries nuong nasa HS ako. Di hamak na nakakaungos tayo sa mga bansang Thailand, Indonesia, malaysia at India. Pero ngayon? Nasaan na tayo? Nakakalungkot talaga.

Happy LP sa iyo:)

Anonymous said...

Maikuumpara ko ang estado ng edukasyon sa Pilipinas sa aklat na yan.

arvin said...

May sinabi ang prof ko dati sa lingwistika. Paano daw mapag-uusapan ang agham at matematika sa labas ng classroom tulad ng sa bahay kung hindi naman ingles ang
wikang ating binibigkas? Ginawa pa niyang ehemplo ang pagtuturo kung paano gumamit ng cellphone. Mas maiintindihan kung sa bernakulo mo ituturo:)

komski kuno's last post.. Walang tao, ikaw na lang.

Anonymous said...

Nakakalungkot talaga ang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Wag na sa libro, sa silid aralan pa lang eh, dun pa lang nakakainis ng isipin talaga.

Dyes said...

sana mapagukulan din ng pansin ang istraktura ng mga paaralan. paano kaya makakapag-aral ang mga bata kung binabaha ang mga silid aralan o dili kaya ay condemned na ang building?

Anonymous said...

oonga, bakit nga ba ganun? d hamak na mas marunong tayong magsalita ng wikang inggles sa ibang bansa sa Asia pero mas maunlad pa rin sila sa atin? kawawa naman ang aklat na iyan!

Anonymous said...

hi marites, agree ako sa iyo. talagang kailangang pagtuunan na ng pansin ng gobyerno ang kalidad ng pag-aaral sa atin lalo na at manpower ang pinaka-malaking "export" product natin, hindi makakaila na malaki ang role ng education dito.

sa isang banda agree din ako sa sinabi mo na wala sa paggamit ng wikang ingles ang pamantayan upang masabi na maayos ang kalidad ng pagtuturo sa pinas. kaya lang, global na kasi ang kalakaran ng mundo at wikang ingles talaga ang pinaka-common na salita. ang abilidad nating makipag-usap sa ingles ang naging malaking dahilan kaya ang pinoy ay nagka-edge over sa kapwa asyano dati. ok sa akin na ibinabalik ng gobyerno ingles bilang mode of instruction kasi mas nag-grasp ng mga estudyante ang concepts ng agham at matematika kung nasa wikang ingles ito. at isa pa, ang mga kapwa asyanong bansa natin ay ini-integrate na rin ang english sa kanilang mga curiculum at kapag dumating ang panahon na mas magaling na silang mag-english kesa sa atin, lalo tayong mapapag-iwanan. :)

yun lang po, happy lp! :)

 gmirage said...

Naalala ko din ang mga kalidad ng librong ginagamit ng mga bata, napanood ko iyon dati sa isang imbestigasyon na klase ng pagbabalita (naku anong tawag dun...) at nakakalungkot talaga na ang edukasyon sa ating bansa ay hindi na gaya noon...

Ang aklat na luma at punit ay akmang akma din sa iyong akda...galing!

Tes Tirol said...

good point, sa aking opinyon ang problema ay ang pangkalahatang pananaw ng Pilipino sa kanyang sarili at ang kanyang 'role' bilang Pilipino. Kailangan ng isang malaking paradigm shift sa pag-iisip. Mahirap pero kaya, magsisimula sa ating mga anak na siyang magiging susunod na henerasyon.

happy LP sa iyo!

http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/

Anonymous said...

ang titulo ng aklat ay - pilipinas:bansang papaunlad, sana dagdagan nila ng "kailan?" yun title para mas appropriate.

Anonymous said...

Kaya nila yata ito ginagawa kasi para makakuha pa ng contrata sa pagiging call center agents ang mga Pilipino.

Wala,tila parang basket case na tayo ulit kumpara sa ibang bansa. Ano nga ba sana ang makapagtuturo ng tamang paraan upang tayo ay umangat, edukasyon dapat.

fcb said...

nakakalungkot no?

Neri said...

sang-ayon ako sa'yo, kapatid. noong nalipat ako ng grade 5 sa sa isang pampublikong paaralan, doon ko nakita ang hirap ng mga mag-aaral sa ganoong kalagayan. sa private school kasi kahit ilang librong hiramin ko, ok lang pero pagtuntong ko sa public, ni libro sa mismong subject wala. :(

Anonymous said...

*sigh* dapat talagang pagtuunan ng pansin.

StaLira said...

Poor tlaga and edukasyon sa Pinas... kawawa ang mga bagong generasyon palala ng palala ang kinabukasan nila.

tasteful voyage
a mom's note
Filipino love stories

Pepe said...

Napansin ko rin na marami sa mga mauunlad na bansang asyano ay pinamahahalaan ng kumunistang gobyerno, at pagsinabing nating kumunista ang ibig sabihin nun ay desiplinadong mamamayan, kaya sa palagay ko at talaga namang lantaran nating mapupunang ito talaga ang kulang sa karamihan sa ating mga pinoy, ordinaryong mamamayan man o mga opisyal ng bansa, ang desiplina.... Kung meron tayo nito, hindi imposibling nakikipag-unahan na tayo ngayon sa pag-unlad dun sa mga maunlad na kapit bansa natin dito sa asya di ba....?

Anonymous said...

Is this because of graft and corruption? I just wonder why a simple book has so many mistakes? Di ba before a book will be publish it has to be reviewed upon by the publishers itself? How come na magkamali. Iisa lang ang sagot dyan because of corrupt people.
From my view, I am so proud that I am a pinay and took my education in the Philippines. Nasa sa atin na din ang mag-aral nang husto at hinde umaasa to what they give us. We are in the new generation now and internet is the best way to get more information. So much pa nga compare to a library itself.