6/14/2008

Litratong Pinoy #4 Kalayaan

Minsa’y ako’y napag-iisip kung ang Pilipino ay tunay na malaya. Para kasing nawala na sa atin ang pagpapahalaga sa ating bayan at nagkakasya nalang tayong ipagbili ang ating bayan sa mga dayuhan para lang sa ngalan ng pagsulong ng ating ekonomiya. Pati nga ang tunay na Araw ng Kalayaan ay nagkaiba-iba dahil daw sa “holiday economics” na pasimuno ng ating mahal na Presidente at ng mga henyo ng Malakanyang. Subukang magtanong sa ilang ordinaryong Pilipino lalo na sa mga kabataan at malalaman ninyong marami sa kanila ang walang kamuwang-muwang sa kung ano ang kahalagahan ng Araw ng Kalayaan. Siguradong kokonting maaayos na sagot ang inyong makukuha. Ito ay nasubukan ko na.

Magkakasya nalang ba tayong bumili ng maliliit na watawat sa daan tuwing Araw ng Kalayaan? Hindi ba natin bibigyan ng kahalagahan ang mga taong lumaban para sa ating kalayaan noon at ngayon? Paano na ang kabataan bukas na mas marunong kung ano ang pinakabagong modelo ng cellphone kaysa kung ano ang kahalagahan ng Araw ng Kalayaan?



Nakakalungkot isipin na hangga’t hindi natin bibigyan ng kahalagahan ang ating sariling bayan at matutong mag-isip ng hindi pansarili lamang, tayo-tayo pa rin ang mahihirapan sa pagpapasulong nito.


Translation:

Sometimes I ponder if Filipinos are really free. It seems that we have lost giving importance to our country and are just content to sell our country to the foreigners in the name of economic progress. Even the right date to celebrate our Independence Day has been changed because of “holiday economics” as led by our beloved President and the geniuses in Malacañang. Try asking ordinary Filipinos especially the youth and you will see only a few of them knows the proper answer on what is the meaning of the Independence Day and the circumstances behind it.

Are we content on just buying flaglets in the streets every Independence Day? Can we not give importance to the people who died for our freedom yesterday and now? What will happen to the youth who knows more about the newest cellphone models than the true meaning of Independence Day celebration.

It is sad to think that until we do not give importance to our own country and learn not to think of one’s own self only, we, ourselves will find it difficult to find progress in our country.

2 comments:

The Queen Bee said...

Natitiyak kong mga ilang araw mula ngayon ay bihasa ka na sa ating wikang pilipino. hehehehe. keep it up!

Anonymous said...

dito sa estados unidos, karamihan ng mga holidays ay lunes. ngunit ang araw nila ng kalayaan, hindi nila pinapakiaalaman. july 4 kung july 4. :) hindi rin ako sang ayon na ipinagdiwang ang araw ng kalayaan ng pilipinas sa ibang araw. buti na lang at ang pasko't bagong taon ay hindi pa napagdidiskitahan ng malakanyang. hmp.