Itong litrato ay kinuha noong kami ay pauwi galing sa Siargao, Surigao nitong Abril. Ang mangingisda ay nag-iisa sa laot. Napag-isip isip ko kung ano ang iniisip o nararamdaman ng isang amang katulad niya sa tuwing siya’y aalis para maghanapbuhay. Hanapbuhay na maaring magbigay sa kanya ng di katiyakang mga pangyayari pero dahil sa kapakanan ng pamilya, kinakailangan niyang gawin. Nakakaramdam kaya siya ng takot at pag-aalala para sa kanyang sarili at sa kanyang kaligtasan habang siya’y nagtatrabaho? Naisip ba niya na sana’y may iba pang puwedeng magawa para siya’y hindi lantad sa kapahamakan? Hindi ba siya nalulungkot o masaya na ba siya na kahit paano’y nakakagawa siya ng paraan na mapakain niya ang pamilya kahit papaano?
Translation: The picture was taken when we were on our way home from Siargao, Surigao. The fisherman was alone at sea. I wondered what was he thinking and what did he feel every time he has to go to work. Work that could endanger him but for the welfare of his family, he has to do it. Did he feel fear and anxiety for himself and his safety while working? Did he wish that he could do something else to prevent him from being exposed to danger? Did he feel sad or happy that he could do something that could feed his family no matter what?
11 comments:
Ang gandang larawan ng pagmamahal ng ama upang itaguyod ang kanyang pamilya. Happy LP. BTW, nalink na kita.
ganyan talaga ang amang tunay na nagmamahal sa pamilya. susuungin ang panganib sa laot para lamang kumita.
Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama
ang ganda ng iyong picture...nagustuhan ko ang compo nito.
napakasipag ng taong (amang) iyan.
napakadaming ama ang katulad ng ama na nasa larawan mo...nagsasakripisyo para sa kaniyang pamilya..upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak.
saludo ako sa tulad nila!Ü
Ang ganda ng larawan...tunay na nakakatouch ng puso.
sakrispiyo, malaking bahagi ng pagiging isang ama...
ang ganda ng isinama mong lahad at larawan sa linggong ito!
Hi Marites, salamat sa dalaw ha :)
talagang hindi ako magsawa sa mga larawang may dagat. nakakalungkot na ang tulad ng amang nasa larawan mo ay nagbubuwis ng sariling buhay para sa maliit na kikitaing ipangkakain ng kanyang pamilya. mabuhay silang mga ama!
maganda ang larawan at makabagbag damdamin ang kuwento...
mga tatay tunay na mga bayani at haligi ng tahanan...
I have not read the book about Rizal by A. Ocampo, thanks for the summary and for sure I will definitely get a copy of it.
malaki ang sakripisyo ng mga ama. lahat gagawin maitaguyod lamang ang pamilya.
ang ganda ng litrato mo :) at ang ganda rin ng akda mo.
oo nga, ako man ay napapaisip sa mga kwento sa likod ng mga imaheng ganyan...
sana ay mapayapa syang nakauwi sa kanyang pamilya
happy lp!
Post a Comment