6/06/2008

Litratong Pinoy #3 Pag-iisang Dibdib (Marriage)

Hindi ba bago dumating sa pag-iisang dibdib ang magkasintahan, ang bawa’t panig ay dumaan ng pagsubok sa sarili at sa isa’t isa? Kaya sinasabing ang pag-iisang dibdib ay isang bagay na nag-kukumpirma na kahit ano pa man ang mangyari, anumang klase ng pagkatao (o pagkapusa kaya?) ang iyong pakakasalan, ito ay iyong tatanggapin sa harap ng tao at sa harap ng Diyos. Kaya naman, ang pag-iisang dibdib ay hindi isang bagay na basta-basta itatapon lamang. Ito ay pinag-iisipan ng pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal. Aba’y mahirap ang pagpasawalang bisa ng kasal! Puwera na lang kung ika’y mayama’t sikat.

Syanga pala, pasensya na sa aming puting kuting na lalaki, at mukhang bagong gising pa ata at siya pa yata itong takot sa pagpapakasal (hindi ba iyon naman ang laging nangyayari sa mga lalaki?)

Translation: Is it not before a couple gets into marriage, each party has already undergone some individual tests for each of themselves and of them together? That is why marriage is a thing of confirmation that whatever happens, what kind of person (or cat) your spouse-to-be is, you will accept him/her infront of man and God. That is why marriage is not something you easily throw away. It is something that you have to think of for a long, long time. Hey! It’s difficult to annul a marriage unless you are rich and famous.

By the way, I apologize for our white male kitty, it looks like he just woke up and seems to be the one who is afraid to get hitched (is it not a common thing among men?)


7 comments:

Anonymous said...

Ang galing ng iyong akda! At ang kyut ng inyong mga pusa!

Happy LP!

http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-iisang-dibdib.html

Anonymous said...

ang cute naman ng mga kuting na yan! :) tama ka marites, mahirap ang pagpapakasal. sana mas maraming tao ang nagiisip muna bago sumabak sa ganitong pagsasama.

happy weekend sayo!

Anonymous said...

una, ang cute ng mga kutingting! :)

pangalawa, agree ako sa mungkahi mo kapatid. pinag-iisipan talaga ang pagpapakasal ng maraming-maraming beses bago suungin.

Anonymous said...

tama...ito'y isang napakahalagang araw sa dalawang magsing-irog. subalit mas tamang silang dalawa'y handa bago ito suungin :)

Anonymous said...

Bugbog-sarado ata ung lalake, hahaha. Wawa naman, under sa asawang kuting:)

fortuitous faery said...

ang cute nila! black and white! perfect combination! hehe.

fcb said...

awwww