5/27/2009

Litratong Pinoy#52 Alam Mo Ba? (Do you know?)

Most of us know that jellyfishes are nasty stingers. Some sting so badly, they could actually kill their prey with their tentacles. But do you know that there is a kind of jellyfish that do not sting at all and there is a place in the Philippines that is considered a jellyfish sanctuary.

Pilipino:
Karamihan sa atin, alam na ang tama ng dikya ay sobrang sakit. Ang iba nga ay talagang nakakapatay ng kanilang biktima sa pamamagitan ng kanilang galamay. Pero alam ninyo bang may isang klase ng dikya na hindi nakakapanakit o nakakapangati at may isang lugar sa Pilipinas na sinasabing sanktwaryo ito ng mga dikya?

This place is at a lagoon considered by the locals there as enchanted. The lagoon is located at Sohoton Cove, Socorro, Bucas Grande Island, which is about 2-hour boat ride from the world-famous Siargao Island, the surfing capital of the Philippines.

Pilipino:
Ang lugar na ito ay nasa lawa ng sinasabing engkantado ng mga lokal sa lugar. Ang lawa ay nasa Sohoton Cove, Socorro, Isla Bucas Grande, mga 2 oras sakay ng bangka ang layo galing sa kilala sa buong mundo na Isla ng Siargao, kapital ng surfing sa Pilipinas.

The number of jellyfish thriving inside the lagoon was quite amazing. We were initially scared to even touch the waters but due to some prodding from our local boatmen, some of us scooped them out by hand and took pictures. As for me, I figured a sting on the leg would be bearable than a sting on my hand.

Pilipino:
Nakakamangha ang dami ng dikya na naninirahan doon sa lawa. Sa simula ay takot kaming hawakan kahit ang tubig na nilalanguyan nito at dahil na rin sa pagkumbinsi ng mga bangkerong taga-doon, ang iba sa amin ay kumuha sa kamay at naglitrato. Ako naman, mas naisip kong mas kaya kong tiisin ang sakit sa paa kaysa sa sakit sa kamay.


But for my braver companions, Lou and Ed, they decided to swim with the jellyfish..eeeeeeeek!

Pilipino:
Pero mas matapang ang mga kasamang si Lou at Ed, nakipaglanguyan pa sa mga dikya..eeeek!


20 comments:

Jen Laceda | Milk Guides said...

Just found your blog. I miss the Philippines. That's where I'm from (wink, wink)

fortuitous faery said...

wow! meron palang jellyfish sanctuary! at hindi sila nananakit, kamo? ang saya naman pasyalan yan...sa probinsya kasi namin, may phobia ako sa mga ganyan, masakit masagi yan! lalo na yung maliliit na maitim! :P

Willa said...

ay ang galing naman ng jellyfish na iyan, very friendly,gusto ko rin jan makapunta!

pao said...

uy hindi ko alam yan ha. ang ganda ng mga jellyfish. :) parang mga pokemon.

Linnor said...

taga siargao ang relatives ko sa mother-side pero di ko pa nalibot ang siargao lalo na ang mga karatig islands/islets nito. thanks for sharing!

julie said...

Ang lalaki ng mga dikya, pero ang gaganda :)

thess said...

Talaga sigurong matakaw ako kasi jelly fish salad ang nasa isip ko at hindi natakot pagkakita sa mga dikya lol!

Pero tukayo, tama ka-nakakatakot palibutan ng dikya na deadly ang sting. Buti na lang may mga friendly dikya pala...nde ko alam yun ha.

Ganda ng captures mo, look at your friends' faces, aliw na aliw sa mga dikya ha ha!

Mommy Jes said...

wow angganda nmn nyan ,mare!!! =) ang sarap kahitme jelly fish p dyan ahahah nweis wala nmn kamo stng eh =) salmaat sa dalw =)

Janelle said...

wow... ang galing... mabisita nga yan balang araw...

SASSY MOM said...

Ang tapang nga! galing, first time Ive heard of that place. thanks for sharing!

Yami said...

mukhang slimy ang mga jellyfish pero ang ganda nila tingnan. :)

shykulasa said...

takot akong makagat ng dikya pero gusto ko talagang hawakan yan meron nga daw species na walang sting at pwedeng sumabay sa paglangoy nila :)

Rico said...

Sabi nila the best first aid you can do with a jellyfish sting is to pee on it? I never really knew if that's true.
Good find yung jellyfish sanctuary. Meron pala nun.
Maligayang araw!

Miah said...

uy meron palang friendsly na jellyfish hehehe.. nice nman dyan...

Marites said...

@Rico: the pee thing is for the last ditch measure:) Pouring vinegar on the affected area is the common solution.

silentprincess said...

grabe, meron palang pwedeng hawakan na jellyfish...

Happy LP

purplesea said...

ang ganda naman dyan. sana makapunta rin ako dyan. Ganda rin ng pagkakakuha mo dun sa jellyfish.

jennyL said...

thanks sa info ... kala ko lahat ng jellyfish eh nakakmatay hehe

eto po akin
http://jennys-corner.com/2009/05/lp-alam-mo-ba-do-you-know-that.html

Mirage said...

At first look parang ang sarap makipaglaro sa kanila hehe. Ang ganda ng blue na tubig!

Ria said...

WOW ang ganda ng kuha mo sa mga jellyfish! i'd love to visit there someday.