5/21/2009

Litratong Pinoy#51 Lahat Ay Payak (Everything Is Simple)

Everything is simple. No matter how we live our lives, no matter how we accummulate all we want. We all end up to something simple; back to the ground and back to where we came from.

This thought came to me a few days ago after visiting a colleague-friend. He had cancer and a few days after our visit, he died. He was young, full of plans and dreams and yet, something like death came. All his struggles, plans, hopes, and dreams ended with his death. In the end, everything is really simple.

Pilipino:
Lahat ay payak. Paano man tayo mabuhay, kahit anumang paraan natin kinuha ang ating mga gusto. Nagtatapos tayong lahat sa isang simpleng bagay, balik sa lupa at balik sa ating pinanggalingan.

Napag-isip ko ito nitong nakaraang mga araw pagkatapos kong bisitahin ang isang katrabaho-kaibigan. May kanser siya at makalipas ang ilang araw mula sa aming bisita sa kanya, siya ay namatay. Bata pa siya, punung-puno ng mga plano at pangarap subali't dumating ang kamatayan. Lahat ng kanyang pakikipaglaban, plano, at pag-asa ay nawala sa kanyang pagkamatay. Sa bandang huli, lahat ay payak o simple.


Sunken Cemetery, Catarman, Camiguin Island
Overview Park, Palacapao, Bukidnon
When we visited Bukidnon a few weeks ago, I saw that everything is simple and people there live simpler lives while tending to their farms and spending more time with their families. We even saw women doing their laundries by the river while the kids were taking their baths nearby. I thought, a lot of us do not have have time to smell the flowers, enjoy the scenery and appreciate everything we are given while we are still alive. We better start doing it now.
Pilipino:
Nang bumisita kami sa Bukidnon noong mga nakaraang linggo, nakita kong lahat ay payak at namumuhay nang mas simple ang mga tao habang nagtatrabaho sa bukid at kasa-kasama ang kanilang mga pamilya. May nakita pa kaming mga babaeng naglalaba sa sapa habang may mga batang naliligo sa malapit. Naisip kong marami sa atin ang walang panahon para umamoy ng bulaklak, ang magpakasaya sa tanawin at malugod sa lahat nang natanggap habang nabubuhay. Mas makakabuting mag-umpisa na ngayon.

21 comments:

agent112778 said...

wow Camiguin sana maka punta ako jan]

sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

yami said...

Ang ganda naman ng lugar ka-LP, parang napag-shootingan na ang lugar na ito, parang pelikula nila Juday, di pa ko sigurdo... :)

Maligayang Huwebes ka-LP!

Rico said...

Uuuy! Camiguin. Maganda nga dyan. Sobrang simpleng pamumuhay ng mga tao dyan. Ganun din yung naisip ko noong napunta kami dyan.

Ternski said...

ay ang ganda-ganda!!! bilib na bilib ako!!!! gusto ko rin magpunta jan!!!!

PEACHY said...

ang ganda! sana makapasyal din ako dyan. Sa pelikula lang ni jomari yllana at gelli de belen ko nakita ang camiguin eh nagustuhan ko na.

Unknown said...

great post! i once spent a vacation with a friend in camiguin, at may litrato din kami sa cross na 'to. at katulad ng kaibigan mo, namayapa na rin ang kaibigan kong yon 3 yrs ago, from lung cancer.

Zee said...

I love your description Marites! Babalik at babalik tayo sa lupa..... very prophetic... :)

SASSY MOM said...

I love your post and your photos! Napaka serene ng lugar na iyan..

Happy LP!

Willa said...

parang nakita ko na ang dalawang parehong litrato na ito, di ko lang sure kung dito din sa blog mo. :)

khaye said...

http://khaye-welcometomylife.blogspot.com/2009/05/lahat-payak.html

maganda kuha ng krus. ito ang aking lahok

Ria said...

I love the first picture! Para bang sinabi niya sa akin na kahit saan ka man dalhin ng buhay sa katapusan, lahat ay payak.

salamat sa pagdalaw! sa susunod uli!

thess said...

ashes to ashes, dust to dust

minsan kailangan natng masaksihan kung gaano kaigsi ang buhay ng tao para magising tayo sa katotohanan ng buhay...na hindi natin kailangan ang garbo na tinatamasa natin sa lupa na iiwan din natin sa huli...

yaman sa langit, kailangan ipunin.

pareho kong type ang kuha mo!

tukayo, salamat sa dalaw ha..kitakits ulit next week :)

emarene said...

ang ganda nga unang litrato. may dalang kaka-ibang feeling. very serene and simple.

salamat sa dalaw :)

Lei said...

Napakaganda nang iyong lahok sa linggong ito.

http://mushings.wordpress.com/2009/05/22/lp-58-lahat-ay-payak-all-is-simple/
http://mushings.blogspot.com/2009/05/lp-58-lahat-ay-payak-all-is-simple.html
http://mushings.com

Arlene said...

wow close shot of the cross -- -been there but not on level with it. gipa zoom ko lang camera ko to get a bigger dimension of the cross.

slamat sa bisita, Tes. :)

alpha said...

malungkot pero maganda.

ces said...

awww, napakalungkot naman ng lahok mo. another wake up call:) and very scenic sight!

shykulasa said...

nakakaengganyong namang pasyalan ang mga lugar na yan, ang ganda :)

Mirage said...

Simpleng pamumuhay simple din problema! ;) Agree!

Marc said...

Napakaganda ng lugar na ito...

jeanny said...

Nice naman. Sana makapunta dyan soon.
Happy Friday sis :)