11/06/2008

Litratong Pinoy#25 Maalaala Mo Kaya?




Puntod ito ng aking lolo at lola na aming pinupuntahan tuwing Araw ng Patay. Sa tuwing araw ng patay, karaniwan na sa ating mga Pilipino ang dumalaw sa puntod ng ating mga namatay na mahal sa buhay. Ngunit may napansin akong mga puntod na wala man lang alay na kandila o bulaklak at tila nakalimutan na ng mga nagmamay-ari. Iniisip ko tuloy na tiyak na naghihinagpis na ang mga nasa loob ng puntod at sinasabing “Maalaala Mo Kaya?”.

Hala kayo, baka dalawin kayo niyan….

Translation:
This is the grave of my grandparents which we visit every All Soul’s day. It is customary for Filipinos to visit their dead loved ones’ graves every All Soul’s Day. However, I have seen some graves that are bereft of any candle or flowers and seem to have already been forgotten by their owners. It made me think that those dead people could be missing their loved ones and wondering themselves, “Can you still remember?”.

Watch out, they might visit you…

13 comments:

Anonymous said...

nanakot pa! *lol*

I'm sure lagi ring nakabantay sa iyo si lola at lolo mo :)

(ay ha, hindi po ako nananakot ha ha!)

Happy LP

Four-eyed-missy said...

Yan din ang panakot sa amin ng nanay namin kapag nakauwi kami sa amin at di binibisita ang puntod ng aming lolo at lola. Baka daw hilahin ang paa namin sa gabi *lol*

Tanchi said...

wag mag alala, nandyan lang sila palagi (sure):)
...
maligayang LP po:)
kudos.

arvin said...

Yung lola ko, lagi naaasar sa akin kasi lagi ko siya ginugulat at binibigla. Sabi ba naman e hala ako, dahil 'pag daw siya inatake sa puso, ako naman daw ang gugulatin niya! :|

 gmirage said...

Hindi ako nagpupunta sa libingan pero naalala ko pa din ang mga panahon na kasama ang mga 'natulog' kong mahal sa buhay.
Happy LP!

fortuitous faery said...

oo nga, nanakot pa! hehe. they're always watching us, diba? :P

Joe Narvaez said...

Wala naman pong takutan hehe

Kumusta po? Ito po ang lahok ko ngayong linggo.

Anonymous said...

matagal ko nang hindi nadalaw ang mga ninuno ko, minsan nagpapakita na ang sa panaginip, tapos bigla akonh magigising ayon pinagpepray ko na lang sila.
hope you have a great weekend :-)

Anonymous said...

miss ko yan! i miss the smell of the candles burning. just hangin' with friends or relatives around the tombstones, eating and talking in the dark...and the smell of fishballs, and gas lamps from the popcorn vendor. something like that!

raqgold said...

hindi nakakatakot ang sementeryo dito e kaya medyo iba dating ng undas :)

eto ang aking lahok
http://homeworked.blogspot.com/2008/11/soldiers-our-soldier.html

Anonymous said...

Gusto kong bumisita muli sa puntod ng aking ina pero sayang hindi kami makakauwi ngyong taon na ito:(

Taga Davao ka? taga Davao pod ko sa una :)

If you want to watch TARA3,just watch it at you tube,kompleto doon.

Anonymous said...

Sabi ko nga sa mga studyante ko pagkataps ng sembreak, "Dumalaw ba kayo sa mga dearly departed niyo o kaya ang dinalaw nila?"

Nice concept :)

Anonymous said...

Gawain ko ding mag-usisa ng iba pang mga puntod sa sementeryo na mukhang napabayaan na - basta naman di sila nalilimutang ipagdasal ng kanilang mga naiwan e okay na rin siguro kahit walang dalaw...