11/13/2008

Litratong Pinoy#26 Kinagisnan


Kinagisnan ko nang Oktubre pa lang may mga dekorasyong para sa Pasko nang makikita sa kung saan-saan, masyadong maaga para sa mga dayuhan ngunit tamang oras lang para sa mga Pilipino. Kinagisnan ko rin ang nakaugaliang Pinoy tuwing Pasko na pagkadami-daming handaan na may pagkadami-daming pagkain. Hindi nakakapagtaka na laging may babala ang Kagawaran ng Kalusugan tuwing Pasko na kailangang mag-ingat sa sobrang pagkain dahil mas marami ang naoospital dahil sa alta presyon o pagtaas ng asukal sa katawan.

Kaya naman ng mag-imbita ang isa kong kaibigan na naninirahan sa ibang bansa na doon magpasko sa kanila..hay! parang hindi ko kakayanin, ang lungkot yata ng Pasko pag malayo sa Pilipinas ano. Matutulog lang sila sa oras ng ating Noche Buena samantalang tayo naman ay nagpapakabusog hanggang mabinat ang balat natin sa tiyan at nagpapakasaya ng todo kasama ang ating mga kaibigan at mahal sa buhay.

lechon, kinilaw at dinuguan
spaghetti, buko salad, beef steak, patatim
kainan na!!!

Translation: I grew up seeing Christmas decorations everywhere starting on the month of October, very early by foreign standards but just at the right time for Filipinos. I also grew up on the Filipino culture of celebrating Christmas by having a lot of Christmas parties with lots of food. It is no wonder that during Christmas season, our Deparment of Health would always issue the health advisory regarding excessive eating/partying as this is usually the time that there is an increase number of people getting hospitalized due to hypertension and/or increase sugar intake.

That is why when one of my friends who lives abroad invited me to spend Christmas with her, I thought, I could not do it. Christmas is lonely away from the Philippines. They would just sleep during Noche Buena time while we party with our friends and loved ones to our hearts’ delight and fill our stomachs up to our skin’s maximum stretching point.

28 comments:

Anonymous said...

correct ka dyan wala ng papantay pa sa pasko sa Pinas.. Oct pa lang meron ng mga Christmas ang ibang bahay/ suepr ganda naman yang house na puro lights na yan.. goodluck na lang sa electric bill nila hahaha

Happy LP! Eto po akin:
http://jennytalks.com/2008/11/lp-kinagisnan.html

Anonymous said...

Hi there, thanks for visiting my place and for leaving a comment. Maraming salamat. Babalik at babalik ako rito...

fortuitous faery said...

tama ka, marites, iba pa rin ang paskong pinoy. pinakamahabang pagdiriwang! at maingay ang pagsalubong sa bagong taon! at...masasarap na pagkain! hehe.

medyo matagal na yung huling pasko ko sa pinas. dito naman sa amerika, thanksgiving (nov. 27) ang hudyat ng simula ng holiday season. "holiday" ang politically-correct na term kasi diverse dito, hindi lang pasko ang meron...may hanukkah at kwanzaa din.

Four-eyed-missy said...

Simula pa nuong 2000, di ako nakapag-celebrate ng Pasko sa atin! Dito kasi sa Cambodia ay normal working day ang Dec 25 kaya kayod pa rin ako. Buti na lang may mga Christmas decors ako na padala ng nanay ko. At least, may konting palamuti sa bahay ko na nagpapa-alaala sa akin ng Pasko :)

Anonymous said...

Nalula ako sa mga ilaw sa uan lalo na sa 2nd pic..parang ang laki ng kikitain ng meralco ha ha! Pero tama ka, ibang iba ang pasko sa Pinas...dekada na akong hindi nakakaranas nito :(

salamat sa pagbisita!

Anonymous said...

Mahilig talaga ang mga Pinoy sa kasiyahan ng Christmas decor ano! Maaga palang bonggang bongga na ang dekorasyon. At syempre sa kainan, walang atrasan! :)

Anonymous said...

kasama kami sa mga nagdedecorate ng maaga :) iba talaga ang pasko dito sa atin..walang tatalo :)

Tanchi said...

galing:)
sabi nga ni yeng constantino sa kanyang kanta,

"ibang iba talaga ang pasko sa pinas..."

:)
maligayang LP:)

Anonymous said...

Oh my gosh, the food dishes are making me drool. The Buko salad has got a nice shade of pink to it...
What's is it made from?
When pinoy dishes come to my mind, the first dish is always macaroni and condensed milk :P Yum yum!!

Anonymous said...

wow andaming pagkain! at parang ang saya-saya ng bahay, daming lights. :)

happy LP!

JO said...

ang sarap talagang mag pasko sa atin... kung kaya lang ng bulsa ko siguro taon-taon uuwi kami.

Eto ang aking lahok. Salamat.

ReadWriteSnap said...

hi! lol...kalami ba atong salad oi...gigutom ko nag tan aw..sus ning taga ofc, basta kaon mawa ang mga poise...hheheh

btw, bitaw, gaya2 puto maya ra ko kay nag new look man pud ka..hehhe

Jenn Valmonte said...

...kakaiba talaga ang pinoy^_^ kahit my crisis na ay hindi ito hahaglang pag sapit nang pasko..^_^

...ang ganda naman nung bahay dun sa pic mu.. panigurado mahal ang bill sa kuryente..sarap din nang mga foods..

..happy lp, salamat sa iyong pagbisita sa aking entry..

Anonymous said...

You are right to stay home. No one can top Pinoy Christmas. I miss the festivities, the food, the Simbang Gabi. Everything.
Here in the U.S., every one looks forward to Thanksgiving and turkey. Not me. If turkey is a big thing, people here have not fully experienced the Pinoy food extravaganza.
Now that you posted this, I feel MORE acutely aware of what I have missed since I left the native land. BUWAHAHAHAHAHA!
Maligayang Pasko in advance.
p.s. New Year's is also boring here. No all-out fireworks.
Gosh, I get totally depressed just a few weeks before Christmas. But I snap out of it when I start shopping. hahahaha!

Photo Cache said...

You made me really sentimental about the whole Christmas in PI thing. Love your pictures btw.

 gmirage said...

Daming food! wow!

agent112778 said...

wow ang saya nga naman sa inyo :))
daming foods :))

Anonymous said...

ei! pasko na dito sa blog mo...ang saya.

sana po'y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia

Ibyang said...

iba talaga ang pasko sa atin :)
mas masaya, mas maingay, mas may meaning at mas maraming pagkain hehe.

ibyang :)

desperateblogger said...

right! pinoys put a twist to Christmas.... ginawang fiesta kaya masaya

Nina said...

Tama ka, malungkot ang pasko outside Pinas! It's going to be my 5th Christmas outside Philippines :(

Anonymous said...

ang sarap pag yuletide season na :) ibang-iba talaga yung feeling :)

Anonymous said...

correct ka dyan ate. maaga palang ayos na lahat ng christmas decor kahit nga simple lang ang bahay may christmas light pa din sila. i love christmas season kasi ibang ibang ang aura ng bawat lugar pati ang mga tao mukhang mababait at masasaya =D

raqgold said...

ay, yan ang gustong gustong maranasan ng aking asawa at mga anak! ang magpasko sa pinas. alam mo bang ang aking asawa e nahawa na dyan sa maagang pag dekorasyon sa pasko? november pa lang ngayon pasko na dito sa amin sa alemanya, hehe

eto ang aking lahok - ang aming palengke
http://homeworked.blogspot.com/2008/11/ang-palengke-market.html

Anonymous said...

OMG, nakakagutom naman ito! At buko salad! How I miss it.

Anonymous said...

sa policarpio street ba ang kuha ng bahay na punong puno ng christmas lights?

tama ka, ibang iba ang pasko dito satin, ang saya!

Anonymous said...

gandang ganda na sana ako sa litrato ng mga ilaw pero nadistract ako sa lechon at mga pagkain! iba talaga ang pasko sa pinas. itong darating na pasko ay ikalawang pasko ko nang wala sa sariling bayan.

Shawie said...

wow! so nice! missed Pinas on Christmas, iba pa rin ang Pasko sa Pinas:) love all the foods & badly missed those, yum!:)