7/03/2008

Litratong Pinoy#7 Tatak Pinoy

Itong bahay ay ang Bahay ni Dakay, pinakamatandang bahay ng Batan na itinayo noong 1870s. Ito ay kasali na sa listahan ng UNESCO. Nakatira ay isang babaeng Ivatan na nasa mga edad na siyamnapu na.

Translation: This is the House of Dakay, oldest house in Batan, Batanes which was built in the 1870s. It is already included in the list of UNESCO Heritage sites. The occupant is an Ivatan lady already in her 90s.





Batanes…parte ng Pilipinas pero parang hiwalay sa kabuuan dahil na rin sa kalayuan at sa kahirapang mapuntahan ng karamihan. Ito ay mas malapit sa bansang Taiwan kaysa Luzon. Ang lugar ay laging daanan ng bagyo kaya naman ang mga bahay ay karaniwang gawa sa singkuwentang toneladang batong apog, tambo at cogon para maprotektahan ang mga taong nasa loob. Ang isang bahay ay tulong-tulong gawain ng buong komunidad na tinatawag nilang “payuhman” o kooperasyon.
Ivatan, ang tawag sa mga taga-Batanes. Itinuturing ko silang magandang ehemplo ng pagiging Pinoy dahil na rin sa kanilang lakas ng loob at tibay sa pagharap sa kahit anong sitwasyon at kahit anong lupit ng panahon. Dahil na rin sa bulubundukin nilang lugar, ang mga Ivatan ay natutong magtiyaga at magsumikap para mabuhay at pagyamanin ang kanilang kapaligiran. Sa Batanes, makikita pa rin ang pagtutulungan sa isa’t isa o bayanihan tuwing may itatayong bahay, pagkakaroon ng komyunal na pastulan na tinatawag nilag “payaman” o mas kilala ng mga turista sa tawag na “Marlboro Country”.

Para sa akin, ang Batanes at ang mga Ivatan ay dapat nating ipagmalaki at mahalin dahil hindi pa rin nawawala sa kanila ang tatak ng tunay na Pinoy.

Translation:

Batanes..part of the Philippines but seems separated from the whole country because it is farther and harder to reach by many. It is nearer to Taiwan than the main Philippine island of Luzon. The place lies in the typhoon path and that is why their houses were usually made of 50 tons of limestone, reed and cogon to protect its occupants inside. One house is usually done by the whole community’s cooperation which is locally called “payuhman”.


Ivatan is the name of the people from Batanes. I consider them as good example of what a Pinoy is for their strength and endurance in facing whatever situation there is and however tough the times are. Because of the place being mountainous, the Ivatans learned to strive and persevere, nurture and cultivate whatever they have and their surroundings. In Batanes, you can still see people helping each other (bayanihan) each time there is a house to build, and their sharing of the communal pastureland called “payaman” or more popularly known by tourists as “Marlboro Country”.


For me, we should be proud and should love Batanes and the Ivatans for they have not lost the embodiment of the real Pinoy.




10 comments:

Anonymous said...

hindi pa ako nakakarating sa batanes at sana pag pupunta ako ay hindi pa rin siya "commercialized"... gusto kong makita at maranasan ang ganyang ganda...

Anonymous said...

marami akong bagong natutunan sa iyong lahok...at kay ganda ng mga lugar sa Batanes. Kailan ko kaya mapupuntahan ang lugar na iyan? isang malaking katanungan????

salamat sa iyong pagdalaw.

Pete Erlano Rahon said...

isang lugar na "must-visit" ko taga norte ako pero hindi ko pa nadadayo ang lugar na ito. wow interesting naman ang bahay na iyan at ang resident na halos kasing tanda na rin ng bahay!

lidsÜ said...

isa talaga yan sa mga places to go to ko, ang batanes! someday...
magandang araw sa'yo!

Lizeth said...

gusto kong pumunta ng batanes!Ü

Anonymous said...

maganda nga raw ang batanes. masaya ako at kasama ang bahay sa unesco. something na dapat nating ipagmalaki.

happy weekend!

Anonymous said...

wow, minsan nakapanood ako ng feature sa tv abt batanes, nakita ko din ang bahay na yan. simula nun, I've always wanted to go to Batanes... di pa nangyayari. thanks for reminding me of that dream plan.

Anonymous said...

Hi Marites!

Salamat sa pag-share mo about batanes. Nakaakhiya man sabihin na Pinay ako pero wala pa akong nararating na mga probinsya sa atin. Buti na lang may tulad mo na nagb blog tungkol sa ganda ng lugar sa atin.

fortuitous faery said...

gusto ko pumunta sa batanes!

Anonymous said...

ilang beses na rin akong nagtangkang makarating ng batanes, kaya lang tuwing paalis kami laging nagkakaroon ng bagyo, hehe.

siguro dapat magsama-sama na lang lahat ng nag-comment dito sa post mo at pumunta tayong lahat sa batanes hehe. :)