10/07/2010

Litratong Pinoy#110 Publiko (Public)

I found it amusing to take pictures of newlyweds or soon-to-wed couples in Hongkong. They did it differently. They like to have their pictures taken in public places like the boat wharf...

Pilipino:
Napagkatuwaan kong manguha ng mga litrato ng mga ikakasal sa Hongkong. Ibang klase kasi silang magpalitrato para sa kasal. Gusto nila iyong nasa mga  publikong lugar gaya ng daungan ng barko...

Photobucket

At the parks...(Pilipino: Sa mga parke..)
Photobucket

 In Tsim Sha Tsui which is a place where there were tourists from all over the world....
Pilipino: Sa Tsim Sha Tsui na dinadayo ng mga turista na galing pa sa kung saang sulok ng mundo...

Photobucket

Outside the church atop a mountain in Macau...
Pilipino: Sa labas ng isang simbahan na nasa itaas ng bundok sa Macau...
Photobucket

If they had their wedding photos taken in public places in the Philippines, somebody would surely tease, joke about it and would check it out. It was quite different for them, people don't mind them doing their thing in public places. Really different from Filipinos who are a bit shy and would rather prefer to have their wedding photos taken inside the studio. Filipinos like it quiet and private. Nowadays though, I've already seen some couples who had their wedding pictures taken outside the studio but not as many as the ones I had seen in Hongkong.

Pilipino:
Kung sa Pilipinas nila ginawa iyong pagpapalitrato sa mga publikong lugar, tiyak na may mangangantiyaw, magbibiro at mag-uusyoso. Iba sa kanila naman, walang pakialaman. Dedma ang mga tao sa kanila sa mga publikong lugar. Kakaiba sa nakaugalian naman ng mga Pilipino na medyo nahihiya pa at mas gusto pa yata na sa istudyo magpakuha ng litratong pangkasal. Mas gusto ng Pilipino sa tahimik at pribado. Sa ngayon, may nakikita na akong nagpapalitrato sa labas ng istudyo para sa kasal pero hindi ganun kadami kung ikukumpara sa Hongkong.

5 comments:

upto6only said...

sarap ngang kumuha ng pic sa public places lalu na sa ibang lugar. at tama ka pag dito pinagkakaguluhan na yan hehehe

Unknown said...

ay talaga? tradition ba ito sa HK? nakakatuwa naman. weddings are happy events and should be shared with everybody, even strangers. kung dito yan sa atin, i'm sure masayang panonoorin yan ng mga tao.

fortuitous faery said...

hindi unusual magpakuha ng wedding photos sa public places dito gaya ng amusement park o beach, lalo na kung special ito sa mag-asawa dahil doon sila nagmeet.

agent112778 said...

ako din, yan ang gusto. nag parining ako minsan na gusto kong pre-nup or wedding pix sa provincial capitol. nung nakita ko ang shyness nya, nahiya narin ako =))

eto ang aking lahok

christina said...

ang ganda ng kuha dun sa may puno...

masayang LP!

http://stanmoisesjose.blogspot.com/2010/10/lp-120-publiko.html