3/04/2010

Litratong Pinoy#87 Kalikasan(Nature)


Enigmata,Camiguin Island, Philippines


The summer is near and so, a lot of people are already looking for their vacation destinations. The island of Camiguin is one of the more well-known places for vacationers.

In Camiguin, nature is still near because if we compare the island to Boracay or Baguio,  the island has fewer developments and the existing buildings are still few.

Pilipino:
Malapit na ang bakasyon at siyempre pa, ngayon pa lang marami na ang naghahanap ng lugar na mapagbabakasyunan. Ang isla ng Camiguin ang isa sa mga kilalang lugar na puntahan ng mga bakasyunista.

Sa Camiguin, ang kalikasan ay malapit lang dahil kung ikukumpara sa Boracay o Baguio, ang isla ay may mas kokonting pagsulong at kokonti pa ang mga gusali.

Enigmata,Camiguin Island, Philippines

The Enigmata is a well-known inn in Camiguin Island. It has rooms in the treehouse. The place is surrounded by many trees and unique example of arts like those statues in the photo.

This is why when we slept in this place last year, I had this feeling that I was a relative of Tarzan.

For more details about Enigmata, go here.

Pilipino:
Ang Enigmata ay isang kilalang bahay-tuluyan sa isla ng Camiguin. May mga kuwarto itong nasa punong bahay na napaliligiran ng maraming mga puno at mga kakaibang sining gaya ng mga istatwang nasa litrato.

Kaya nang natulog kami rito noong nakaraang taon, nagkaroon ako ng pakiramdam na kamag-anak ko pala si Tarzan at ang kanyang butihing may-bahay na si Jane.

Para sa karagdagang detalye ng Enigmata, pumunta rito.

10 comments:

Girlie said...

isa din yan na gusto kong mapuntahan

Carnation said...

sarap pumunta sa mga ganyan. salamat sa dalaw

Ebie said...

Gusto ko ang tree house. Gandang pasyalan!

Four-eyed-missy said...

Ayy, ang sarap sigurong matulog sa isang tree house! Sana mapanatili na maayos at protektado ang kalikasan sa Camiguin.


Sreisaat Adventures

Anonymous said...

Hmm...that's a nice place to go on vacation. Thanks.

2nette said...

mukhang maganda ang lugar, sana balang araw makapunta rin kami diyan, hapi LP

mirage said...

OO nga, hidden pa ito at sana nga wag mapollute... *sigh* Sana mapasyalan ko din yan balang-araw...

Anonymous said...

ang ganda pala sa luob nito, nadaanan lang namin dati dahil kinulang na sa oras. swerte nyo at nakapag-overnight kayo dito ;)

Photo Cache said...

gusto kong pumunta jan.

Yami said...

Maganda nga raw diyan sa Camiguin. sana marating din namin sa mga susunod na panahon.