12/18/2008
Litratong Pinoy#31 Karoling (Caroling)
Mahilig akong sumama sa karoling noon mula pagkabata hanggang sa ako’y nasa kolehiyo. Natigil lang noong ako’y nag-umpisang magtrabaho na kaya hanap-hanap ko ang karoling tuwing Pasko.
Kung ikukumpara ang mga nakaraang taon sa ngayon, mas maraming nangangaroling noon. Kaya naman, pag may mga naliligaw sa amin, ang saya-saya ng lahat. Siyempre pa, kailangang may litrato sila.
Translation: I used to do caroling when I was a child until I was in college. I only stopped when I started working and that’s why I miss it every Christmas.
There are more Christmas carolers the previous years than now. Thus and always, we are all happy to see the carolers nowadays and that is why, I had to take pictures of them.
May kanya-kanyang pa-epek ang mga nangangaroling na karamihan gamit ang sariling gawang pantugtog gaya ng pinikpik na tansan na ginawang tamborin, lata ng gatas na ginawang dram at iba pa. May nakasuot ng puro pula at nag-ala Santa Claus habang kumakanta, may mga tumugtog lang at hindi kumanta at meron din namang nag-shades kahit gabi na at madilim ang daan (hindi kaya sila natumba sa daan?). Anu’t-ano pa man, masaya akong nakikita at naririnig sila. Buhay pa rin pala ang nangangaroling magpa-hanggang ngayon.
Dyinggol bells, dyinggol bells, dyinggol ol da wey..ol was payn a restoran in a wan horse open sley..hey!
Hindi ba nakakatuwang pakinggan ang mga batang nangangaroling na kumakanta nang ganyan? Onli in da Pilipins.
Translation: Christmas carolers have their own gimmicks and most of them use their own handmade musical treatments like the stringed flattened bottle caps used as tambourines, empty milk cans used as drums and a lot more. There are those who all wore red and looked like Santa Claus while singing, there are those who just played instruments and did not sing, and there are those who wore shades even if it was already evening and the streets were already dark (I wonder, if they stumbled along the way?). No matter what, I am always happy to see and hear them. Christmas caroling is still alive nowadays.
Dyinggol bells, dyinggol bells, dyinggol ol da wey..ol was payn a restoran in a wan horse open sley..hey!
Isn’t it funny to hear those caroling kids sing that way? Only in the Philippines.
7 comments:
gosh...ang saya talaga ng pasko sa pinas...walang sinabi dito sa amerika...haha!
type ko yung tambol ng bata!!! aba at may mga jeproks pa!!!!!! magkano na ang bigayan ngayon sa mga nag kaka roling????
gandang araw
wow...very nice:) galing:)
..enjoy na enjoy sila...
...happy carolling sa mga nangangarol:)
*balik sa pasko*:)
asouthernshutter.com
naka pula pa lahat talagang in the christmas spirit sila.
Nakakatuwa at ayan ang nakakamiss sa atin:)
Happy Christmas! Ingat!
ang galing nung unang litrato..nag usap usap pa sila sa dadamitin :)
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
wow, naka-uniform pa talaga sila!:D
Post a Comment