12/04/2008

Litratong Pinoy#29 Eksayted (Excited)


Mas lagi akong eksayted bumiyahe at mamasyal kaysa mamasyal at mamili sa mga malls. Nakahiligan ko na ito kasama kadalasan ang aking mga kaibigan. Pangako ko sa sarili na makamasyal sa buong Pilipinas lalo na iyong mga lugar na makasaysayan o iyong mga lugar na itinuturing na mahalaga sa ating bayan. Pangarap ko rin na sana makayanan kong makapagbiyahe sa buong mundo bago ako tumanda.

Translation: I get more excited to travel and sightsee than go shopping around the malls. It is my hobby and I usually do it with my friends. I promised to myself to travel around the Philippines especially to the historical places or places that are considered significant in our country. I also dreamed of being able to travel all over the world before I get old.




Kuha ang mga litrato sa Prayer Mountain, Tamayong, Calinan, Davao City. Eksayted kami dahil nga hindi basta-basta makapasok sa lugar na ito. Tingnan ninyo naman, kontodo talon kami sa helipad. Kasi naman, sa unang pagkakataon nakaapak kami ng helipad. Salamat sa kaibigan kong si Jinjin sa mga litrato na ito at nakuha niya kaming parang mga baliw.

Translation: The pictures were taken inside the Prayer Mountain, Tamayong, Calinan, Davao City. We were excited to be there as it was not easy to get inside. As you can see, we were jumping on the helipad; it is because, it was our first time to set foot on one. Thank you to my friend, Jinjin, for these pictures as she took them while we were looking crazy.

For more pictures of the Prayer Mountain, check it out here..




15 comments:

arvin said...

Pangarap ko din malibot ang Pilipinas:D Saya mamasyal at magkodakan, hehehe:D

jennyL said...

ay correct ka dyan.. kaka excite ang magbyahe at mamasyal lalo't cool ang mga kasama mo...ako laging piktyur piktyur

jes said...

hi marites!
mas masaya dn akong maglakwatsa sa ibat ibang lugar kesa mag-mall hehehe pangarap ko dn malibot ang buong Pilipinas ngunit hindi pa nmin magawang mag asawa sapagkat prayoridad nmin ang aming mga ank.
ito po ang aking lahok sa lingong ito:
http://ishiethan.blogspot.com
http://jeslising.blogspot.com

Moonlight-Mom said...

naaliw akong tingnan ang slides... kuha yung excitement sa series of shots. :D

Jes said...

hehe oo nga madami syang visitor kasi sa skul sya nag celebrate hehehe =) 2 klase yan so 20 lahat sila hehehe =)

Thess said...

Basta pasyalan , yan talaga ang nanaka excite! Talaga naman panay talon nyo ha (^0^)

Happy LP, Marites!

Tanchi said...

galing talga neto;)
laging bumabyahe:)
sarap bumyahe lalo na kapag kasama mo mga lifetime friends:)
maligayang LP:)

keep8up

Familia Khuletz said...

..uu nga, mas masarap mag byahe with friends or family.. talagang bonding..^_^

sana makadaan kadin sa aking lahok.

happy lp

spiCes said...

ay ang daming excited! galing!

ian said...

mas masaya ngang maging excited kung may kasama kang kasing- o mas excited pa sa iyo! mas mataas ang talon, mas malaki ang ngiti, mas dama ang kilig...

ingat sa mga biyahe! =]

here's an interesting site about Philippine travel and how much of it you've done: http://forge.codedgraphic.com/lakbayan/

lino said...

di ko pa yata napuntahan yang part ng davao na yan...


pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip po ang aking lahok... :)

Joe Narvaez said...

Yan din ang pangarap ko. Pareho tayo hehe.

cheh said...

ka miss ang mga ganitong gimik kasama mga kaibigan,iba na talaga pag may mga bata ng bitbit hehe

ganda ng mga kuha,nakaka excite nga!:)

Ibyang said...

ako din mas excited mag-travel kesa mag-shopping :)

mirage2g said...

Nakaka-esayt talaga pumasyal sa ibang lugar naku...kung pwede nga lang lagi tayong lumalayas lol. Happy late LP; hindi pala ako nakadalaw...