5/30/2008
Litratong Pinoy#2 Ihip ng Hangin
Ang hangin ay isang bagay na hindi natin napagtutuonan ng kaukurang pansin gaya ng ibang bagay. Nakakapagtaka, hindi ba? Samantalang ito ay sobrang mahalaga sa atin para tayo ay mabuhay. Dahil na rin siguro sa hindi natin ito basta-basta nakikita, nahahawakan o nararamdaman.
Maraming epekto o gamit ang hangin, gaya ng nasa unang larawan na kuha sa Batanes, Pilipinas. Kung titingnan, hindi mo malalamang malakas na malakas ang ihip ng hangin na kumusang maging halos pantay ang pagkakahiga ng mga damo sa bulubundukin. Dahil sa lakas ng ihip ng hangin sa pangalawang larawan, lumakas ang alon na nag-uunahang sumalpok sa batuhan sa dalampasigan. Hindi ba nakakatakot ang lakas na ipinapakita ng hangin? Puwede ring magamit ang lakas ng hangin para sa ibang bagay gaya ng pangatlong larawan na kuha pa rin sa Batanes. Ipinapakita rito ang paggamit sa hangin para kumuha ng enerhiya ng elektrisidad.
Translation:
Air is something that we really do not give much proper attention to like the other things around us. Strange, isn’t it? When in fact, it is very important for us to live. Probably because we do not easily see, hold or feel it.
There are many effects or use of air as can be seen in the first picture taken in Batanes, Philippines. It cannot be seen or known that the wind was so strong that caused the grasses to lay flat straight on the rolling ground. In the second picture, the wind was also so strong that waves went rolling fast and hard to the rocks by the beach. Isn’t it scary to see the strength of the wind?The strength of the wind can also be used or harnessed as can be shown in the third picture also taken in Batanes. This shows the use of the wind to get the energy for electricity.
Labels:
Batanes,
beach,
bulubundukin,
elektrisidad,
enerhiya,
hangin,
ihip,
Philippines,
pictures,
waves,
windmill
8 comments:
ang gaganda talaga ng mga tanawing iyan...salamat sa lumikha.
magandang araw!
ang gaganda! at totoo ang iyong akda!
magandang araw sa'yo!
Ang gaganda ng larawan na napili mo ilahok!
Hanggang sa susunod na Huwebes at happy weekend sa iyo! :)
Nice entry! Happy weekend!
ambothology.com
hi marites, i love the collection of photos. parang nape-preskuhan ako sa pagtingin pa lang sa pics hehe. :)
hi maritess! gusto ko yung pangalawang picture. ang powerful kasi nung alon na humahampas sa bato. para sakin magandang tanawin yan.
Naku, ang lakas naman ng mga alon na iyan.
Ang ganda ng mga windmills mo... maraming din palang windmills sa Pinas no? May mga nakita ako sa Batanes at Ilocos Norte... o parehong lugar lang ba iyon... shocks, sorry, nahiya naman ako... hehehe!
wala akong masabi sa ganda ng mga lahok mo! kelangan talagang makapagbyahe na dito sa pinas!
happy weekend!
Post a Comment