7/14/2011
Litratong Pinoy#145 Mapanglaw (Sad, Melancholic)
He was looking sadly at me. Quietly holding on to a tree and was not even moving. From time to time, passing tourists would hold, surprise and play with him. I wanted to return him to whatever forest he came from. I know that he is painfully shy and would rather sleep and hide among the trees. Sleep during the day, awake during the night. That's the thing he would rather do than just getting harassed by tourists who thought it funny to hold and to surprise him from time to time.
Upon returning to Bohol, I was really surprised to see a lot of them in captivity to let the tourists see and hold them. Why were they allowed to be held in captivity when it was already known that tarsiers commit suicide in captivity or when they're stressed/depressed? In the name of tourism, we let them live a life of dead.
Update:
Somebody asked how tarsiers commit suicide. They say, tarsiers stop eating altogether. Some who were put in a cage, bang their heads.
Pilipino:
Mapanglaw siyang nakatingin sa akin. Tahimik lang na nakakapit sa puno at halos hindi tumitinag. Maya't maya'y hinahawakan, ginugulat at nilalaro siya ng mga turistang nagdaraan. Gusto ko siyang ibalik sa kung saang gubat siya nanggaling. Awang-awa ako kanya kasi alam kong likha siyang mahiyain at mas gusto niyang matulog at magtago sa mga punongkahoy. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Iyon ang mas gusto niyang buhay. Hindi ang gulu-guluhin lang ng mga turistang akala ay kyut siyang gulat-gulatin at hawak-hawakan.
Ang laking taka ko lang at nang bumalik ako ng Bohol ay ang dami na nilang nakakulong para mahawakan at matingnan ng mga turista. Bakit pinayagan silang mahuli samantalang kilala ang tarsier na nagpapakamatay kapag kinukulong o kapag nalulungkot? Sa ngalan ng turismo, pinababayaan natin silang maging buhay na patay.
Dagdag: May nagtanong kung paano ba magpakamatay ang tarsier. Sabi nila, tumitigil kumain ang mga tarsier at ang iba naman, binabangga ang ulo nila sa kulungan.
Labels:
Bohol,
litratong pinoy,
photography,
picture,
Travel,
Visayas
3 comments:
nagsi-suicide pala ang tarsier? bakit pinapayagan ito ng DENR at mga animal rights groups? sa totoo lang, fascinating nga makakita ng mga hayop up close and personal, katulad sa mga zoo, pero nakakalungkot din na wala sila sa kanilang natural habitat.
P.S. paano mag suicide ang tarsier? they stop eating?
Oo totoo mag suicide ang mga tarsier pag sila ay ginawang pet at dinala sa bahay at ikulong. Nocturnal animal kasi yan sila at ang kakainin lang nila ay insekto na makita sa gabi. Kung kumain man yan nang prutas sila ang kukuha doon sa bukid pero sa gabi nga. At saka hinde sila mabuhay na mag isa kaya siguro magpakamatay sila.
May nabili ang kapatid ko na tarsier sa amin isa lang. Hinde ata nakadalawang araw namatay nag suicide parang niloblob ata ang ulo sa tubig. Pero sa tanto ko dapat kasi they had to find their own food at hinde dapat kulungin. ^_^
Litratong Pinoy
interesting...bakas sa mukha nito ang kalungkutan. sana may magagawa tayo para matulungan nating ang mga tarsier.
Post a Comment