4/15/2010

Litratong Pinoy#91 Words (Salita/pangungusap)

Words are not enough to describe how amazing and beautiful are the rice terraces found in Batad, Banaue. That is why, I'll just show you the pictures.

Pilipino:
Kulang ang ilang pangungusap upang ilarawan kung gaanong kamangha-mangha at pagkaganda-ganda ang mga hagdan-hagdanang palayang ito na makikita sa Batad, Banaue. Kaya, litrato na lang ang aking ipapakita sa inyo.

Photobucket

I was wondering how come there were more foreign tourists than local tourists who visited Batad Rice terraces when we were there. They mostly came from the different countries of Europe and they were really impressed with the place and its people. I wish that more Filipinos could visit this really beautiful place.

Pilipino:
Nagtataka ako kung bakit mas maraming dayuhang turista kaysa sa lokal na turista ang bumisita sa hagdan-hagdang palayan ng Batad nang andoon kami. Marami sa kanila ay galing pa sa iba't-ibang bansa ng Europa at sila'y talagang bilib na bilib at manghang-mangha sa lugar at sa mga tao. Ang hiling ko ay sana mas maraming Pilipino ang bumisita sa napakagandang lugar na ito.

Photobucket

The Batad Rice Terraces can be reached within 2 hours travel from Banaue poblacion. One hour travel by car and one hour by walking through the mountain trails. This is quite different from the one that is shown on our P1000 peso bill.

If you want to visit Batad, a local guide is necessary especially for the first-time visitors. The contact numbers of the driver and the local guide who helped us reach this place is just below this post.

Pilipino:
Matatagpuan ang palayan ng Batad sa pamamagitan ng paglalakbay ng kulang-kulang dalawang oras mula sa poblacion ng Banaue. Isang oras ang paglalakbay sa sasakyan at isang oras din ang paglalakad sa mga bulubunduking landas. Ito ay kakaiba doon sa nakikita sa ating P1000 perang salapi.

Kung gusto ninyong bisitahin ang Batad, kakailanganin ng lokal na tagapatnubay lalo na sa mga bagong pupunta upang marating ito. Nasa ibaba ang numero ng aming drayber at lokal na tagapatnubay na tumulong sa amin.

Photobucket


Contact numbers:
(63)9199268378 - Moises Hipog (Batad guide and owner of Hanging House Souvenir Shop in Batad)

(63)9265143071 - Miguel Mundiging (van driver)

5 comments:

Dinah said...

tama ka dyan, sadyang hindi mo kayang idescribe ang ganda ng luga na yan! gusto ko ding magpunta, budget lang ang kulang. pero bago ako lumabas ng pilipinas, inuuna ko na ng ikutin ang bansa natin :-)

Words

♥♥ Willa ♥♥ said...

Ganda pala talaga ng Banawa rice Terraces, yung nga ang nakakap[gtaka, mas maraming foreigner ang mas nakaka appreciate nito kesa sa local pinoy. :)

Ken said...

Sus, ginoo, ang ganda! How many hours did you hike to go there? Nandoon ako noong 2007 but bikos I didn't have time to hike to Battad, hanggang Bangaan lang ang narating ko. I really like the first one. So surreal.

Photo Cache said...

You are absolutely correct. No words can describe this natural wonder. I hope to see this someday.

Yami said...

Isa ang rice terraces sa mga lugar na gusto kong mapuntahan habang kaya ko pang maglakad.

tingin ko marami mga kababayan ang gustong puntahan ang RT kaso wala lang sapat na pera na panggastos (gaya ko). :)