Showing posts with label water. Show all posts
Showing posts with label water. Show all posts

5/22/2008

Litratong Pinoy #1 Tubig (Water)


Ang pinakapaborito kong oras ng araw ay ang bukang liwayway at takipsilim. Sa bukang liwayway nakikita ko ang pagbabadya ng bagong araw at bagong pag-asa sa buhay. Sa bukang liwayway makikita ang pag-aagaw ng liwanag sa dilim. Ang litratong ito ay ang pantalan ng bayan ng Dapa, Siargao. Kinuha ito habang kami ay nakasakay na sa barkong pauwi papuntang siyudad ng Surigao galing sa isla ng Siargao. Makikitang ang tubig ay parang salamin ng lahat ng nasa ating kapaligiran. Kung sira ang kapaligiran, masisira din ang tubig na nagbibigay-tulong sa ating buhay at kabuhayan.

Translation: My favorite hour or time of day is sunrise and sunset. In sunrise, I can see the coming of a new day and a new hope in life. In sunrise, one can see that light overcomes darkness. This picture is of the port of Dapa, Siargao. This was taken while we were on board the ship on our way to Surigao City from Siargao Island. It can be seen that water is like a mirror of everything around us. If our surroundings get destroyed, water which helped us in our lives and livelihood will get destroyed too.