Kuha ito sa Kampo Sabros ng Kapatagan, Siyudad ng Digos, Davao del Sur. Sinasabing isa sa pinakamahabang zipline ng bansa sa 360 talampakan ang haba at pinakamataas sa 180 talampakan (meron pa siyang mas bago at pangalawang zipline na mas mahaba). Nakita na sa iba-t ibang programa sa telebisyon at napuntahan na rin ng maraming kilalang personalidad. Pero tiyak ko, sa pagsakay ng zipline at cable car, iisa ang nasa aming isipan..”Eeeeeeek! Luntiang kapunuan ang babagsakan ko! Nanang ko! Hindi siya mababaw ha! Ay! Mahahalikan ko ang puno ng pino!” Hindi na nga bale, basta lang ba alam ko na kung paano lumipad si Darna o Superman ng kahit apatnapung segundo lang.
Siyanga pala, kitang-kita sa daan papunta ng kampo ang pinaka-lolo ng mga bundok ng Pilipinas, ang Mt. Apo. Luntian ang kapaligiran at napaka-grandioso tingnan. Bakit hindi subukang akyatin si Apo? Tatlong araw lang at makakauwi ka na. Walang katulad pa ang makikita sa tuktok.
Translation:
This was taken in Camp Sabros, Kapatagan, Digos City, Davao del Sur. It is said to be one of the longest ziplines in the country at 360 feet long and 180 feet in height (it has a newer and second zipline which is longer). It was already featured in different TV programs and has already been visited by well-known personalities/celebrities. One thing is for sure while riding the zipline and cable car, we all have the same thought, “Eeeeeeeeek! I’ll fall into those green trees! Mother! It ain’t low! Oh! I am going to kiss the pine tree!” Never mind though, as long as I was able to fly like Darna or Superman for even just in 40 seconds.
By the way, Mt. Apo, the grandfather of the Philippine mountains is quite visible along the road going to the camp if he is “in the mood” and not hiding behind clouds. Why not try climbing Mt. Apo? It can be done in three days and the view at the peak is quite spectacular.
