
Kinagisnan ko nang Oktubre pa lang may mga dekorasyong para sa Pasko nang makikita sa kung saan-saan, masyadong maaga para sa mga dayuhan ngunit tamang oras lang para sa mga Pilipino. Kinagisnan ko rin ang nakaugaliang Pinoy tuwing Pasko na pagkadami-daming handaan na may pagkadami-daming pagkain. Hindi nakakapagtaka na laging may babala ang Kagawaran ng Kalusugan tuwing Pasko na kailangang mag-ingat sa sobrang pagkain dahil mas marami ang naoospital dahil sa alta presyon o pagtaas ng asukal sa katawan.
Kaya naman ng mag-imbita ang isa kong kaibigan na naninirahan sa ibang bansa na doon magpasko sa kanila..hay! parang hindi ko kakayanin, ang lungkot yata ng Pasko pag malayo sa Pilipinas ano. Matutulog lang sila sa oras ng ating Noche Buena samantalang tayo naman ay nagpapakabusog hanggang mabinat ang balat natin sa tiyan at nagpapakasaya ng todo kasama ang ating mga kaibigan at mahal sa buhay.

lechon, kinilaw at dinuguan

spaghetti, buko salad, beef steak, patatim

kainan na!!!
Translation: I grew up seeing Christmas decorations everywhere starting on the month of October, very early by foreign standards but just at the right time for Filipinos. I also grew up on the Filipino culture of celebrating Christmas by having a lot of Christmas parties with lots of food. It is no wonder that during Christmas season, our Deparment of Health would always issue the health advisory regarding excessive eating/partying as this is usually the time that there is an increase number of people getting hospitalized due to hypertension and/or increase sugar intake.
That is why when one of my friends who lives abroad invited me to spend Christmas with her, I thought, I could not do it. Christmas is lonely away from the Philippines. They would just sleep during Noche Buena time while we party with our friends and loved ones to our hearts’ delight and fill our stomachs up to our skin’s maximum stretching point.