10/08/2008

Litratong Pinoy#21 Luma (Old)



Ito ang lumang simbahan ng San Agustin, Paoay, Ilocos Norte na siguradong mas matanda pa sa mga lola at lolo natin. Inumpisahang itinayo noong 1694, sinira ng bagyo at lindol, itinayong muli at natapos noong 1894. Gawa sa korales at matitigas na bato ng tisa, apog at iba pa. Ang disenyo ng simbahan ay ipinaghalong Gotiko, Baroque, at Oriental.

Sinasabing isang metro ang kapal ng dinding at sinusuportahan naman ng makakapal na batong may disenyo na hindi mo makikita sa ibang simbahan saan man sa buong Pilipinas. Ginawang matibay na matibay ang simbahan para hindi agad masira dahil sa lindol at bagyo na laging nangyayari sa bandang lugar ito ng Luzon. Sa kalumaan nito, nagkaroon na ng mga lumot at maliliit na tanim sa pagitan ng kanyang mga dinding at harapan ng simbahan. Ang harapan ng simbahan ay may mga magagandang disenyo ng mga bulaklak na rositas, mga dahon at iba pa.

Ang simbahan na ito ay idineklara nang UNICEF na isa mga lugar ng pamana sa Pilipinas. Ang tore ng kampana ay ginamit ng mga Katipunero para sa kanilang kilos rebulosyonaryo laban sa mga Kastila at makikita sa itaas nito ang kabuuan ng bayan at iba pang karatig nito.

Mas gusto ko sana ang kapaligiran ng simbahan noong una naming punta ilang taon na ang nakalilipas dahil ang plaza sa harapan nito’y pinalilibutan ng mga matatandang puno na tingin ko’y kasingtanda ng simbahan din. Wari ko noo’y bumalik ako sa panahon ng Kastila. Kaso lang, hindi ko matanto at kung sinong baliw ang biglang pinagpuputol ang mga kawawang puno para daw mas madaling makita ang simbahan (sa laki ba naman ng simbahan, hindi pa ba makikita iyan??) ng mga turista. Sa ngayo’y mangilan-ngilan nalang ang naiwan sa mga kawawang puno.

Para sa karagdagang detalye ng simbahan, punta rito.



Translation: This is the old church of San Agustin, Paoay, Ilocos Norte which am sure is older than our grandparents. Started to be built last 1694, destroyed by earthquakes and typhoon and was rebuilt and finished last 1894. Made of corals, limestone and etc. The design of the church is a mixture of Gothic, Baroque and Oriental.

The walls were said to be one meter thick and is supported by thick wall buttresses with designs you cannot see in any churches all over the Philippines. The church was built sturdily to withstand the earthquakes and typhoons that commonly occur in this part of Luzon. Due to its old age, the spaces between its walls and the façade of the church were already covered with moss and tiny plants. The chuch’s façade has beautiful designs of rosettes, leaves and more.


This church was declared one of the UNICEF Heritage site in the Philippines.
The church’s belltower was used by the Katipuneros for their revolutionary activities against the Spaniards and one can see the entire town and its neighbors on its top floor.

I prefer the surrounding place when we first came to this place years ago because its plaza was surrounded by ancient trees which I believe were as old as the church. It gave me the feeling of getting back to the Spanish period. However, for some reason I could not fathom, some crazy lunatic decided to cut down the poor trees to let the tourists get a better view of the church (as if the church is not big enough for people not to see it!!!). As of now, there are just a few of these trees that were left unscathed.


For more details about the church, refer
here.

23 comments:

Anonymous said...

Huwaw, sadya ngang luma na ang simbahan na yan pero matibay pa rin ano.. dapat nga lang nagawing paman ng Pilipinas yan. Happy Lp

eto akin:

http://jennysaidso.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html

http://jennys-corner.com/2008/10/lp-luma-na-already-old.html

Anonymous said...

Waaaahhhh... lalo akong na-inggit sa litrato! Sana makarating na rin ako dito!

Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!

*** ShutterHappyJenn ***

Anonymous said...

Ang ganda ng kuha! Hindi pa ako naka punta dito:) Mine is posted HERE. Happy LP!~

Bella Sweet Cakes said...

Ay oldie na talaga...!!!!! salamat sa impormasyon,, sarap sigurong bumisita syan di ko pa nakikita yan e,, eo saa akin http://aussietalks.com/2008/10/litratong-pinoy-luma-na-old.html

Anonymous said...

ang gaganda talaga ng mga lumang simbahan...

fortuitous faery said...

eto talaga nasa listahan ng mga simbahang dapat kong mapuntahan sa pinas...lungkot nga dahil kahit mismong ilocos di ko pa nararating!

Eloise said...

hehehe ang gaaleng naman pareho tayo ng entry...ibig sabihin lang talagang matanda na ang paoay church.

bagama't maganda ang istraktura sa labas...hindi gaano yung loob no? tsaka parang puro turista lang ang nagpupunta wala mashadong parokyano dito

Lalaine said...

ganda ng picture... "luma" pala ang theme nyo ngayon. salamat nga pala sa pagdalaw sa blog ko. sana marating ko din yang lumang simbahan na yan. ganda!

link-ex?

sunny said...

napakagandang litrato! gusto kong sumali sa LP pero camfon lang gamit ko,lol....at me iba pang reqt.lol...
nice photographs!

agent112778 said...

buti kapa, kahit taga davao ka, naka punta ka na ng ilocos. kami na taga luzon di pa makapunta :) pero dina bale, makakapunta rin ako ng davao (wish ko lang) pang bumisita ako ang CDO at makapag side trip sa samal :))


eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

My husband and I so love Ilocos too - if only for its old churches and the Hispanic architecture :)

Thanks for reminding us again what great times we had visiting this place.

Anonymous said...

pang-postcard ang iyong mga litrato! napakaganda!

♥peachkins♥ said...

wow..sana makapunta din ako dito...

Anonymous said...

hello, why i can not find your entrecard?

Anonymous said...

gusto ko tuloy pumunta sa Ilocos. :) parang ganda dun eh.. sa susunod ko na lang siguro na uwi.. :D

Joy said...

Ang ganda nga naman...minsan naiisip ko, hindi nape-preserve ang mga historical sites ng Pilipinas. Buti naman at kahit papano ay na-preserve pala ang iba.

Salamat sa pagdalaw sa LP ko! Maligayang araw!

Joe said...

I have this thing about old stuff and structures. Although I won't deny na may interest din ako sa mga new stuff, iba ang dating sa akin ng mga luma. Nice photos ha...

Ex-link? Yun lang pala eh...Deal!

Neri said...

kawawa naman ung mga puno, baliw nga ang nagpaputol nun. hayz, sana makapunta rin ako dyan. ang ganda! lalo na't mayaman sa kasaysayan at kagalingan ng pinoy ^^

maligayang paglilitrato po at salamat sa pagdaan! :)

Anonymous said...

ang ganda ng details! madaming angles na magandang kuhanan. happy LP!

Anonymous said...

WOW! talagang luma! ang ganda! gusto kong marating ang simbahan na yan :)

Anonymous said...

Wow Nice Pics

purplesea said...

ang ganda talaga ng simbahan na yan.

eto ang aking lahok:

http://purplesea-lookingforanswers.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-luma-na-old-already.html

fortuitous faery said...

grabe ang ganda talaga..para kang nasa ibang panahon pag andun ka. pero siempre, di ko pa narating ang simbahang ito na world heritage site pa naman...hehe.