Kakayanin mo bang pumasok sa isang kuwebang tingin mo’y puno ng tubig, lalo pa at inaakalang madilim na madilim sa loob? Napatinag kami nang sinabi ng aming bangkero na kailangan languyin ang pagpasok sa kuwebang ito (nagbibiro ka ba, bangkero??!) Eh, napakadilim kung titingnan galing sa labas. Ngunit dahil na rin sa kanilang pagbibigay katiyakan ng aming mga bangkero na hindi ganoon kadilim ang looban ng kuweba ay dahan-dahan kaming lumangoy sa loob. Laking gulat at mangha namin nang sa pagpasok ay parang inilawan ang kuweba (siyempre pa, lumalangoy pa rin kami habang nakatunganga). Ang dahilan daw nito ay ang liwanag na nanggagaling sa labas na tumama sa tubig at dinding ng kuweba na may mga makikislap na mineral kaya parang mistikong nakailaw ang loob nito, kaya naman kinailangang tumahimik kami dahil daw kilalang engkantando ang lugar na ito. Siyanga pala, napapasok lang ang kuwebang ito tuwing pagkati ng tubig.
Kuha ang litrato sa Sohoton Cove, Socorro, Isla Bucas Grande, Surigao del Norte.
Translation: Can you get inside a cave that you can see to be full of water and you thought to be quite dark inside? It took us a while to think about this after our boatman told us that we needed to swim to get inside this cave (are you kidding, boatman??) The cave looked so dark as we see it from the outside; however, with the assurance given by him that the cave was not that dark, we took the plunge and we slowly swam in.
To our amazement and surprise, the cave looked well-lighted inside when we got in. The reason for this was the light that came from outside reflected through the waters and bounced off on the shining minerals on the cave walls which gave the interior of the cave its mystical color. That is why we have to be silent as this place is also well-known for being enchanted. By the way, this cave can only be accessed during low tides.
The picture was taken in Sohoton Cove, Socorro, Isla Bucas Grande, Surigao del Norte.